Tips Para 'Wag Umasa
Aba, 'wag tayong iiyak! Sayang beauty natin! Nahulog na nga tayo ng walang sumasalo, iiyak pa? 'Wag nating ipahalata ang pagkatalo natin.
Maraming mga paraan at kaganapan na maaaring pagsimulan ng ito.
1. Bigla-bigla nalang magcha-chat ng walang dahilan.
Unang-una, malay ba naman namin kung ano ang iniisip niyo. Ano ba namang kamalay-malay namin kung nabiktima lang pala kami ng isang dare o taong bored lang. Ganiyan na ba kami ka-enjoy maging pampalipas oras? Kaya kapag nagkataong may biglang nangyaring ganito, lalo na at crush mo ang taong 'to aba ay kailangan mong pangalagaan ang iyong damdamin. Hindi ko sinasabing ipagtabuyan mo o awayin mo. You can always reply and talk with them basta ang tatandaan, 'wag itanim sa puso't isip na may gusto ang taong 'to sa 'yo. Hangga't walang matibay na ebidensya o sapat na kompirmasyon, aba'y mas mabuti ng 'wag pakampante. Alalay sa damdamin. Never let your guards down! Sakyan mo lang basta ba hindi ka mahuhulog.
2. Sweet Talks
Hindi namin kasalanan kung ipinanganak kang mahusay magsalita. 'Yong tipong ang galing magpakilig kahit sa mga salita lang. 'Yong lagibg bumabati sa 'yo, laging bumabanat sa 'yo, laging nagpapakilig sa 'yo. Sino ba naman ang hindi mahuhulog diyan? Bakit ba kasi kailangan pang maging malambing kung wala ka rin naman palang balak maging akin? Utang na loob sa 'yo, tao lang ako at masyadong masunurin lang ang puso ko. Sa kaganapang ito, lakas ng loob lang ang labanan. Mahirap pa namang makipaglaban sa damdamin. Unang-una, kung hindi mo kayang labanan at iwasan, sundin mo nalang at sabayan. Kung 'di mo kayang umatras sa laro niya, sumali ka. Gawin mo rin kung ano ang ginagawa niya sa 'yo. Tingnan lang natin kung magtatagumpay ka. Aba, hindi pwedeng tayo lang ang maghirap no! Syempre dapat pati na rin ang nagpapahirap sa atin, dapat pahirapan!
3. Terms of Endearments
Sabi nila, you are special to someone if they give you nicknames. Totoo naman talaga. Kasi bakit ka nila bibigyan ng nickname na sila lang ang tatawag kung hindi ka espesyal para sa kanila? Kaya kung bibigyan niyo kami ng nickname, siguraduhin niyong kaya niyo itong panindigan. Hindi 'yong kung ano ang tawag mo sa akin ay tawag mo rin pala sa iba. Pa'no? Eh pinagsasabay naman pala tayo kasi siya ay isang dakilang manloloko. Kapag binigyan ka niya ng nickname, tanungin mo siya kung bakit ka niya binigyan at 'wag na 'wag mong kakalimutan ang mga katagang lagi kong pinapaalala sa inyo. "Huwag umasa para iwas disgrasya." Ayos lang naman maging flattered pero 'wag masyadong magpadala sa bugso ng damdamin. Tandaan, maraming manloloko sa mundo kaya 'wag tayong magpabiktima. Itaga sa bato! 'Wag na 'wag kang mahuhulog sa mga patibong niya!
4. Sudden Concerns and Rules
Hindi naman talaga maiiwasang makapag-share ka sa isang tao kung ano ang ginagawa mo or kung nasaan ka man. Pero may mga tao rin talaga na bigla nalang magiging concerned sa 'yo at bibigyan ka na ng rules. Halimbawa, nabanggit mo sa kanyang nasa labas ka nagpa-party kasama ang mga kaibigan mo at gabi na. Bigla nalang siyang magiging matanong ng "Sino kasama mo?" "Nasaan ka ba?" "Baka delikado ang lugar na iyan ah." Tapos biglang magbibigay ng rules and regulations sa 'yo. "Simula ngayon, umuwi ka na ng maaga." "'Wag kang lalagpas ng 8 p.m.!" "Sasabihin mo sa akin palagi kung saan ka pupunta at kung sino ang kasama." Oh 'di ba? May kuya ka na, may instant tatay ka pa! Anak ng tokwa, sino ba naman kasi ang hindi kikiligin at mahuhulog diyan!? Manhid nalang talaga ang hindi. May posibilidad rin kasing ma-misinterpret namin ang ikinikilos ninyo. Simoleng bagay lang naman ang hinihingi namin. Clarification. 'Yon lang. Para hindi naman kami mag-assume dahil binibigyan niyo kami ng rason eh. Ano pala 'yong sweet ka sa 'kin, sweet ka rin pala sa kanya! Kung gano'n, sana magka-diabetis ka! Kapag nagkaganito, maaari mo naman siyang suwayin. Wala ka namang responsibilidad o obligasyon na sundin siya. Wala namang kayo. Maliban nalang kung gusto mong magpaloko. Kapag nagalit siya at pagsabihan ka niya ulit, komprontahin mo na. "Bakit ka ba ganito!? Kung gusto mong magbantay, mag Security Guard ka! Do'n, may sahod ka pa! Hindi 'yong sa akin mo ito pinapakita para mahirapan ako." Chos. Ganiyan dapat! Lakas ng loob lang mga pipol!
5. Biglaang Tampuhan
Ito 'yong kaganapang pinapasakit talaga ang ulo mo. 'Yong wala namang kayo pero kung makapagtampo siya tinalo pa ang mag-asawa. 'Yong na-late ka lang ng reply o minsan nakakalimutan mong mag-reply kasi sadyang busy ka lang, nagagalit na siya at magtatampo siya. Tapos pag tinanong mo siya kung ano ang problema, sasabihin niyang wala. Eh nagseselos na pala. Paalala lang kasi, Kilos lang para iwas selos! Eh lung hindi ka babagal-bagal kumilos, sana kayo na. Pa'no kung naunahan ka pa? Kaya 'wag kayong magagalit sa amin kapag hindi kami agad nakakapag-reply dahil wala namang tayo at hindi lang naman kayo ang tao sa buhay ko. Kapag bigla nalang siyang nagkaganito. 'Yong nagtatampo na nagseselos na naghihintay suyuin, kausapin mo at sabihin mong ano ba ang ikinagagalit niya kung hindj ka nakapagreply. Obligado ka ba bilang isang mabuting pilipino na reply-an siya agad-agad? Sabihin mong wala namang kayo kaya 'wag siyang magtatampo.
6. Biglang nagiging Open sa 'yo
'Yong bigla nalang magiging MMK ang chatbox niyo kasi bigla siyang nag-open up ng talambuhay niya eh hindi naman kayo close o hindi naman kaya ay tungkol sa bigo niyang buhay pag-ibig. Ayos lang naman sana eh pero 'wag naman sanang bigla-bigla na lang nang makapag-prepare naman kami kahit papaano ng tissue o ng sasabihin. Kapag nagkaroon ng kaganapan na ito, lagi mong sasabihin na "Bilang isang kaibigan, nandito lang ako para sa 'yo." Para hindi niya isiping nahuhulog ka na sa kaniya dahil sa storya ng buhay niya. Eh 'di siya pala 'yong assuming sa inyong dalawa. Kailangan kasi talaga ng linaw para iwas maling hinala. Marami pa naman ang namamatay dahil diyan.
Hindi naman natin maiiwasan ang mga kaganapang ito. Kinakailangan lang natin ng tamang gabay at alalay sa puso para iwas sakit at iyak. Sa totoo lang, hindi naman dapat natin silang iniiyakan no! Masasayang lamang ang ating mga luha para sa walang kwentang bagay. Aba, we deserve so much more and better than them. Sa huli, nasa sa iyo lamang naman ang desisyon kung paano mo kokontrolin ang storya ng buhay mo. Magpapadala at magpapahulog ka ba? O kakayanin mo itong tapatan at sabayan? The ball is in your court.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento