Ideal Type of an Imperfect Guy



Wala namang ipinanganak na perpekto sa mundo. Nobody is perfect ika nga diba? Gwapo nga pero minsan, panget ang ugali o hindi nabiyayaan ng tangkad o talino. Meron ding hindi nga nabiyayaan ng gaanong  itsura pero blessed naman sa talents o attitude. May mga pero talaga 'yan. Pero hindi naman maiiwasan sa isang tao lalo na ang babae na maghanap ng ideal guy nila.

Hmm let's just say may mga general attributes na pwedeng makuha ng kahit na sino at 'yan ang magiging ideal guy natin.

Ito ang 5 Golden Rules ng isang Ideal Type of an Imperfect Guy

No. 1:

P.O.G.I.

Presence Of God Inside

Syempre unang-una sa lahat, pinakaimportante ang katangiang ito. Ang pagiging maka-diyos. Isa itong major turn on kasi may malasakit tayo sa may kapal. Kung maghahanap ka rin naman ng magiging kasama o jowa, hanapin mo 'yong dadalhin ka sa simbahan at ipapakilala kay God.

Sabi nga sa isang famous quote, "Be with someone who wants to chase God with you." Hindi 'yong puro pa-gwapo o papansin lang ang alam. Galing galing magpa-impress sa mga 'chix' pero thumbs down naman sa pagpapa-impress kay God because With God, nothing is impossible.

Sa Ideal number rin na ito, maaaring maging double meaning. chos. Hindi naman kasi maiiwasang maghanap ng pogi o gwapo pero hindi porket mas unang napapansin ang mga ito, ibig sabihin na sila na talaga ang magugustuhan ng mga tao. Normal lang naman kasi ang kaganapang ito dahil ang unang-unang mapapansin ay ang mukha mo lalo na kapag hindi pa magkakilala.

Pero, kahit anong ikinagwapo mo basta't hindi ka malinis at maalaga sa katawan, isang 'down' ka pa rin. Laging alagaan ang katawan at sariling space natin. Proper Hygiene and observe cleanliness because cleanliness is next to Godliness.

No. 2:

Sense of Humor

Ayon sa isang fact, Girls usually fall in love with funny boys. Trust me, it's legit. Kasi kapag nakakatawa o mahilig magpatawa 'yong tao, ang lakas ng effect sa puso. Charlungs. Pero seryoso, malakas talaga ang dala nitong epekto. Kasi imagine, hindi pa nga kayo masayang masaya ka na. Ano pa kaya kapag naging kayo na? Kaya to all the ladies who have found a guy who has a sense of humor, girl they're for keeps. You're a one lucky girl. Trust me, I know.

I truly understand na hindi lahat naman may taglay na sense of humor kasi what if sadyang serious kayong klase na tao 'di ba? You can't expect everyone to be the same kasi we are unique in our own special ways. Just try to be yourself nalang. Impress her by being true and honest. Sabi nga nila, 'wag kang mag-focus ng masyado sa crush mo. Mag-focus ka sa sarili mo hanggang sa mapansin ka ng crush mo. Boom!

No. 3:

Maginoo pero Medyo Bad Boy

Sabi nga nila, importante ang balanse. Maganda 'yong maginoo siya kasi trustworthy ay magiging kampante ka pero 'wag masyadong Maginoo naman sana at baka ikaw ay mabato. Mabuti na 'yong may halong asim sa matamis na kakanin. 'Yong medyo alam niya paano maging matapang at makipaglaban para ipaglaban ka naman niya. Chos. Kasi pinakaimportante talaga ang pagkakaroon ng balanse. 'Yong parang kape lang. May saktong tapang at tamis.

No. 4:

Patience is a Virtue for him

Sa Ideal number na 'to, nandito na lahat. Kasama na ang patience niya sa 'yo lalo na at ang mga babae ay medyo nangangailangan ng mahabang pasensya. Maintindihan kaya marunong magpakumbaba at magpasensya. Inaamin ang kasalanan o namali siya kaya hindi na makikipag-away. Mahaba ang pasensya lalo na sa pag-suyo. Kasi kung mahal mo, page-effort-an mo. Pero pag mahal mo rin, bakit mo pa pahihirapan? May Anger tolerance. Kapag nagkasagutan kayo, hindi siya mapapasigaw at magwawala bigla kasi sa sobrang galit niya. This is very important but also very hard to achieve kasi konti nalang ang mga taong pasensyoso, maintindihin at mababa ang pride kaya if you have a guy like this, 'wag mo nang sayangin kasi mahirap silang hanapin.

No. 5:

Dapat Tatak Loyal!

Aanhin pala ang lahat ng mga nabanggit kung hindi siya magiging loyal? Importante talaga ang katapatan sa isang relasyon kasi kung iiwan mo lang rin naman, bakit mo pa liligawan? 'Wag ka nalang manligaw kung sa huli ay magbi-break lang naman pala kayo. Advance dapat tayo mag-isip.

Hindi 'yong, cool off o konting tampuhan niyo lang meron na siyang bagong 'fling'. Ano 'to? Lokohan? Gaguhan? Tsong o Teh, may tampuhan lang tayo. Uso naman yata 'yong suyuan imbes na lampungan 'di ba? Porket di lang tayo naguusap, may iba ka nang nahanap na reserve. Tsk. Very wrong.

Pero sa huli, hindi mo naman mape-predict kung kanino o kailan ka mahuhulog eh. Sa katanuyan nga, 'yong mga nakakatuluyan nila ay malayong-malayo pala sa mga ideal guys nila. Hindi kasi natuturuan ang puso. Kusang tumitibok 'yan. It will always fall for anyone anywhere at any time. Sometimes, it often falls for the least expected person kaya 'wag umasa masyado para hindi delikado.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

How To Make Ligaw 101

Sweet Myths and Beliefs About Soulmates

IBA'T-IBANG URI NG PAG-IBIG.