How To Make Ligaw 101

Bago ang lahat, gusto kong ihanda niyo muna ang sarili niyo sa papasukin niyong ito. Sa ganitong sitwasyon, hindi natin masisigurado kung sasagutin ka ba ng nililigawan mo. Malay mo hindi pa ready si girl o hindi naman kaya ay strict ang parents niya, pero kung sigurado ka na sa kanya, you can wait naman di ba? Why not? If she's worth the wait and risk.

Okay, let's start.

Step No. 1:
- Alamin lahat nang tungkol sa liligawan mo. Pangalan niya, Birthday niya, Ilang taon na siya, Gusto niya, Mga ayaw niya. Siguraduhing alam mo lahat ah. I'm not telling you to become her stalker ha? I'm just telling you to get to know her. May kaibahan 'yon.

Step No. 2:
- Isu-suggest ko dito na haranahin mo siya ng paborito niyang kanta, 'yung tipong acoustic. Pero dahil alam kong hindi lahat ay nabibiyayaan ng Golden Voice, I suggest na pag-aralan niyong mabuti ang paborito niyang kanta and you can take some lines from the lyrics of the song at pwede mong sabihin sa kanya everytime na magkita kayo. Plus points ka dito. Panigurado, kikiligin 'yon.

Step No. 3:
- Give her a gift. Pag sinabi kong bigyan mo siya nang regalo, I am not saying na 'yung mamahalin. Any gifts will do as long as galing sa puso mo. I will suggest an idea, maghanap ka ng isang clean and empty transparent jar, you can recycle it and add some ribbons and designs, parang D.I.Y. gift lang, and then fill the jar as many messages as you can write para pwede niyang basahin bawat message sa bawat araw na gigising siya.

Step no. 4:
- Wag ka sanang mawalan ng time sa kanya, pero 'wag din naman 'yung tipong nakabuntot ka na sa kanya. Remember, ikaw ang nanliligaw at hindi ikaw ang nililigawan.

Step No. 5:
- Kung talagang mahal mo 'yung taong nililigawan mo, hindi lang sapat ang mga harana at chocolates diyan o flowers. Always mo siyang kamustahin, Greet her always gaya nang "Good Morning! :)", "Kamusta araw mo? Napagod ka ba?", "Sana nandiyan ako para alagaan ka, kung pwede lang. :)". 'Yung mga ganyang pakilig. Gusto kasi nilang maramdaman na habang nanliligaw ka pa nga lang, maintindihin na, papaano pa kaya kapag kayo na hindi ba? Pero tandaan mo, hindi ka lang dapat maging caring sa kanya kapag nanliligaw ka pa lang. Baka naman mamaya kapag sinagot ka na niya maging kampante kana na sa'yo na siya at basta mo nalang papabayaan. Excuse me, you never know na marami na palang abangers diyan! Kaya if I were you, you should value her. Practice that!

Step No. 6:
- 'Wag na 'wag kang MAIINIP! Aba! Papasok-pasok ka sa ganitong sitwasyon, hindi mo naman pala kayang mag-tagal! Pinaalalahanan na kita simula pa lang!

Step No. 7:
- Bigyan mo siya ng flowers at something sweet. Gesture 'yan na ang ibig sabihin ay gusto mong ipakita sa kanya kung gaano ka ka-sweet.

Step No. 8:
- Sa mga seryosong ligawan as in to da MAX, gusto kong magkaroon kayong dalawa ng nililigawan mo ng isang dinner. 'Yung hindi basta-bastang dinner ah, kahit saan basta nafi-feel mo ang atmosphere ng Romance. 'Ying tipong nakaka-good vibes 'yung ambience. Pwedeng mag-arrange kayo sa garden, a table for two and kausapin mo 'yung mga barkada mo na maging staffs sila, servers, waiters/waitress, cook or something. Para iwas gastusin diba? Pero kung mayaman ka, pwede ka namang gumastos ng malaki.

Step No. 9:
- Sweet Gestures, 'yung tipong ikaw ang magdadala ng bag niya dahil mabigat, alalayan mo siya kapag nahihirapan siyang umakyat ng hagdan or maglakad. Habang nanliligaw pa lang, 'wag ka munang magnanakaw ng halik sa kanya, ok? You can only kiss her hand, wag muna sa cheeks, forehead and specially sa lips! Naiintindihan mo? Good. Mabuti na 'yung malinaw. Baka kasi magulat 'yung nililigawan mo at masampal ka pa. Ouch. Masakit 'yun.

Step No. 10:
- 'Wag mo siyang ipapahiya. 'Wag mong pagtawanan. 'Wag magsalita ng masama.

Step No. 11:
- Ilibre mo siya ng snacks. Pwede water kung galing siya kunwari sa isang practice at bigyan mo pa ng towel. Mas maisu-suggest ko na kumain kayong dalawa ng Ice cream.

Step No. 12:
- Mag-usap kayo tungkol sa topic na alam mong magiging interested siya pero hindi pa niya alam. Example, mga facts about anything. Musics, Arts, Psychology, Or mga malalalim na mga usapin (Charot Haha). Siguraduhin mong magiging interesado siya ah.

Step No. 13:
- Pwede mo siyang ihatid lalo na kapag may Car ka or di kaya ay Motorcycle. Kung kunyari marami siyang dala, pwede mo siyang samahan at ihatid sa bahay nila. At mas lalong pwede mo siyang samahang mag-mall kung 'yun ang hilig niya pero kung hindi siya mahilig mag-mall, edi 'wag nalang, baka ma bored pa 'yun dun at isiping ikaw ang may gustong mag mall, mapagkamalan ka pang bading edi busted ka kaagad.

Step No. 14:
- Kapag tinawagan ka ng nililigawan mo at sinabing gusto niya ng kausap, pumunta ka kaagad. Kapag nag-salita siya at nag-share ng marami, makinig ka lang. Don't interrupt her while talking, annoying 'yun. Kapag umiiyak siya, don't hesitate to give her your handkerchief and your shoulder. I-Comfort mo siya. Cheer her up.

Step No. 15:
- You can watch movies na gusto niyong dalawa ang genre. For Example, you both love Mysteries and Codes, you can watch Sherlock Holmes Movie. Or Kung gusto niyang manood ng romantic movie at gusto mong mag da moves, pwede kayong manood. Oh edi, THE FEELING IS MUTUAL AGAD.

Step No. 16:
- Eto, eto 'yung mahirap na madali lang. 'Wag na 'wag mong kakalimutang mag-tanong sa kanya, kasi kung walang magtatanong, walang sasagot diba? Kung sakaling magtatanong ka na sa kanya AT sakaling hindi ka sinagot, Don't show any hint of anger caused by your disappointment, instead, smile ka at ipakita mo na, even though binasted ka, everything you did and showed to her is real lalong lalo na ang feelings mo. Tiwala lang, may nakatakda para sa'yo at wag na wag kang titigil sa pagtiwala na mangyayari 'yun. If you are tired then take a rest from finding love, instead let love find you. Edi everybody happy!.

Hanggang sa muli! Ito ulit ang inyong makulit ngunit magandang sidekick, Binibining Zaidekick! Sana ay nakatulong ako! Maraming Salamat! :* :)

Comment down your feedbacks. Umepekto ba?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Sweet Myths and Beliefs About Soulmates

IBA'T-IBANG URI NG PAG-IBIG.