HOKAGE MOVES 101 (EXCLUSIVE FOR GIRLS ONLY! EDITION)

Alam kong marami sa inyo ang gustong mapansin ni crush at narito ako para bigyang-gabay ka sa iyong mga gagawin.

Step 1: Cool Ka Lang!
> Unang una sa lahat, 'wag kang magmadali. Everything will fall into place at the right time.

Step 2: Clingy? or Nah?
> Para sa akin, it is also a good idea to be clingy. Well, we must admit na hindi lahat ng tao gusto ang mga clingy but trust me in this, it works like a charm. Kapag Clingy ka masyado at nasasanay mo na siya sa ganyang behavior mo, malay mo ma-miss niya ito at hanap-hanapin kapag wala na, 'di ba?

Step 3: Kalog o Mahinhin?
> Hindi natin mapipilit kung sadyang Kalog o Mahinhin ka na talaga kaya sa bawat aspeto nito, bibigyan ko parin ito ng mga tips. Kung Kalog ka, maaaring ma-attract sa'yo ang crush mo dahil hindi ka pabebe at hindi ka rin maarte, 'yun nga lang baka akalain niyang baliw ka na sa sobrang pagka-kalog kaya dapat bawas-bawasan at limitahan. Kung ipinanganak kang mahinhin, aba'y wala na tayong magagawa. Sa pagiging mahinhin mo, maaari kang maka-attract ng ibang tao dahil sa pagiging pormal na babae mo, 'yung tipong Dalagang Pilipina. Certified Girly TYPE! Pero ang pinaka-importante ay ang 'wag sumobra. Nakakasama lahat ng sobra at nakakasama rin lahat ng bawal.

Step 4: Gumawa Ng Move
> Option 1:
 Maraming iba't-ibang paraan ng pag-agaw ng pansin ni crush sa iba't-ibang scenario. Kunwari, kung magkakatagpo man kayo ni crush, kunin mo ang cellphone mo at magpanggap na nagmamadali, i-try mo siyang banggain at tingnan natin ang resulta.

> Option 2:
Kapag nagkatabi kayo ni crush, i-double check mo muna ang sarili mo baka may mali sa'yo, mahirap na baka ma-turn off si crush. Tandaan, huwag ka sanang magpahalata na nagpapapansin ka at huwag rin masyadong patago dahil baka hindi ka niya talaga mapansin ng tuluyan. Pwede mo siyang kausapin (kung close kayo). Pwede ring reason na magtatanong ka kung saan 'yung ano or ito.

> Option 3:
Kung classmate kayo ni crush, pwede kang magpapansin sa pamamagitan ng skills mo. Magpakitang gilas ka. Ayan dapat. 'Yung tipong may ibubuga ka, oh diba?

> Option 4:
Kapag nakita mong nakaupo si crush, yayain mo 'yung kaibigan mong pagitnaan niyo siya ng upo at kunwaring may ibibigay 'yung kaibigan mo sa'yo at aabutin mo 'to pero mahuhulog mo 'yung bagay kaya pupulutin mo, tingnan natin kung gagana ba ito at baka tulungan ka pang pulutin ni crush 'yung gamit. But remember, play it cool.

> Option 5:
Kung nahihirapan kang gawin ang lahat ng ito, huwag na huwag mong kakalimutan na maging totoo ka sa sarili mo. Just Be yourself and have confidence. I-try mong itigil ang pagpapapansin sa kanya, malay mo baka hanap-hanapin ;) .

>Option 6:
Try mo mag-confess. Kapag kinakabahan ka or natatakot ka kasi baka mauwi kayo sa awkwardness, pwede mong idaan sa ngiti at tawa. Idaan mo lang sa joke, ika nga nila "Some jokes are half meant.". Tapos sabihin mo ang linyang "'Di ko naman sinasabing maging crush mo rin ako. Pinapahayag ko lang ang nararamdaman ko." then smile at tawa ng bahagya. Umalis ka na pagkatapos nito if feel mo na wala na kayong pag-uusapan. Basta laging tatandaan, 'wag umasa para iwas disgrasya!

P.S. Kung walang gumana, idaan mo sa Fres. The only candy that talks 😂💕 Ano pang hinihintay mo? Gora na.

P.P.S. KAPAG 'YAN LAHAT HINDI GUMANA, ITO GAWIN MO, I-FACE TO FACE MO AT SAPAKIN MO (JEMS LANG HUWAG TOTOHANIN) ANG MANHID GRABE.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

How To Make Ligaw 101

Sweet Myths and Beliefs About Soulmates

Confusions