The "How To Move On" Process


Alam kong masakit at mahirap, pero diba mas mahirap ang magpaiwan sa mga masasakit na ala-ala ng nakaraan? Kaya move on na!

May ilan muna tayong dapat tandaan bago magpatuloy sa ating "How To Move On" Process.

Una, punasan ang mga bakas at mga tumutulong luha sa iyong nakabibighaning mukha.

Ikalawa, ngumiti ka at isipin mong, kaya mo 'to!

Ayan, handa ka na ba? Kung Oo, Aba! Mag-simula na tayo.

May iba't-ibang uri ng heartbreaks ang kinahaharap ng mga sawi.

May mga hindi ibinalik ang feelings, meron ding iniwan for another girl, Oh hindi naman kaya ay ayaw na talaga sa'yo.

Well, these are the steps you must follow in order to start moving on.

(Paalala: Hindi magiging madali ito! Good Luck! And God Bless!)

Step 1:
> Ipunin lahat nang mga gamit na nagpapa-alala sa'yo dun sa Ex mo. Tandaan, walang ititira.

Step 2:
> Matapos mong siguruhing wala na talagang natirang mga bagay na nagpapa-alala sa Ex mo, gusto kong isa-isa mong itapon o sunugin ang lahat ng 'yun. Lahat ng mga bagay na nagdadala ng bad memories.

Step 3:
> Kunin ang phone. I-delete lahat nang nandoon na may kinalaman sa Ex mo. Wala kang ititirang bakas na makapagpapa-alala sa'yo tungkol sa kanya. Pictures, Convos (Kung meron man), o Videos na magkasama kayo.

Step 4:
> Maghanap nang mga gawaing pwede mong pagtuonan ng pansin upang maka-iwas sa mga bangungot ng nakaraan. Maghanap ka ng pwede mong paglibangan, gaya nalang ng cooking class, art lesons, dancing lessons, o kahit ano basta mawala lang sa isip mo si Ex.

Step 5:
> Gusto kong iwasan mo lahat ng mga lugar na napuntahan o nagpapa-alala sa'yo sa Ex mo. 'Wag ka munang babalik dun hanggat hindi pa nawawala ang hapdi sa iyong puso na dulot nang walang hiya mong Ex.

Step 6:
> Iwasang banggitin ang pangalan niya. Gawin itong bad word. Wag ding babanggitin ang inyong endearment (kung meron man). 'Wag ding babanggitin ang lahat ng profiles ni Ex. Address niya, Birthdate niya, Age niya, Hobbies niya, Likes niya, Dislikes niya at iba pa.

Step 7:
> Iwasang makausap si Ex. Hinding hindi gagana ang lahat ng turo ko kung lagi pa rin naman kayong nag-uusap. 'Wag makipag-kita sa kanya, 'wag kumausap sa kanya. In short, layuan siya. Distance is important to love yourself.

Step 8:
> 'Wag makikinig sa mga kantang nagpapa-alala sayo sa Ex mo. 'Wag ka ring makikinig sa mga pang brokenhearted songs, 'Wag manunuod ng mga pelikulang para sa mga sawi, at iwasan ring manuod ng mga pelikulang nagpapa-alala sa'yo sa Ex mo. 'Wag ring makinig sa theme songs niyo.

Step 9:
> Iwasang gawin ang mga bagay na ginagawa niyo dati ni Ex. Gaya nalang nang mag Movie date, pumunta sa paborito ninyong resto, pumunta sa isang partikular na resort. 'Wag muna. 'Wag muna sa ngayon.

Step 10:
> Kapag bigla mo siyang naaalala at nalulungkot ka, you are allowed to eat up to just one bar of chocolate. Pampatangal ng lungkot pero 'wag na 'wag kang sumobra.

Step 11:
> Mahigpit kong ipinagbabawal ang pag tulog sa late na oras. Dapat ay maaga kang natutulog. Hahayaan mo bang makita ka ni Ex na may malaking eyebags at mukhang zombie dahil sa kanya? Aba, edi magdiriwang 'yun! Always remember, Gwapo/Maganda ka, single ka man or taken. Okay? 'Wag mong hahayaang isipin ni Ex na patay na patay na patay ka sa kanya kaya ka nagkakaganiyan. Edi talo ka!

Step 12:
> Sa ganitong sitwasyon, lakasan lang ng loob ang puhunan. Ipakita mo na matapang ka at kaya mo na wala siya. Aba, hindi lang siya ang tao sa mundo noh! Gumising ka nga.

Step 13:
> Stay Healthy! My Dear, palagi mong aalagaan ang kalusugan mo dahil 'yan ang puhunan natin sa Process na ito. Take Care of your health, Physically, Mentally and Emotionally.

Step 14:
> Kung sa tingin mo ay, mahirap pa rin, take your time. It's hard to heal a fresh wound. Tandaan mo lang lahat ng mga sinulat ko at wala kang lalabagin para wala tayong problema.

Step 15:
> Kapag sa tingin mo ay ready ka na, do a total make over. Like, change your haircut or your usual style kasi it symbolizes a new begining. Wala ka nang ibang babaguhin maliban sa ito, do not change your attitude too much baka maging masama ka na at pati pa mga kaibigan mo mawala sa'yo. Just boost your confidence. Enough na pwede mo nang harapin si Ex at ipakitang you are done with him or her.

Tandaan, hindi siya kawalan. It's her/his loss na pinakawalan ka niya. You are too precious to waste your time and tears for a person who is not deserving of your love.

Once again, ako si Binibining Zaidekick and I hope nakatulong ako sa inyo! Maraming Salamat and See you next time readers!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

How To Make Ligaw 101

Sweet Myths and Beliefs About Soulmates

IBA'T-IBANG URI NG PAG-IBIG.