Sweet Myths and Beliefs About Soulmates



Unang-una sa lahat, no to bash kapag hindi kayo naniniwala. Alam ko namang hindi lahat tayo ay na-convince ng mga paniniwalang ito but as the saying goes, everyone deserves a second chance. Kaya why don't we try to listen to these stories?

Did you really found the one? Or have you already found the one but you think he/she isn't that's why you chose to break up and look for your Mr./Ms. Right?

I'd say, you have to stop chasing the wrong one. The right one won't run.

May iba't-ibang kwento ang sumisikat sa iba't-ibang parte ng mundo. Let's focus here in our country first. I will introduce to you the different stories and beliefs I've gathered about soulmates. Naniniwala ka ba sa soulmates? Or Twin Flame? According to the literal definition of the word 'Soulmate', it means that they are the people who are ideally suited to another as a close friend or romantic partner. Hindi naman kasi porque at Soulmate mo na siya, ibig sabihin, siya na ang makakatuluyan mo. He/She could end up as your friend or close friend because they are meant to stay like that in your life. 'Wag mo lahatin. Dahil may mga taong mananatili lamang na isang kaibigan whether you accept it or not.

Ito ang mga kwentong Soulmates

No. 1: Rain and Hiccups

Sabi ng mga nakakatanda, kapag biglang umulan habang ikaw ay sinisinok, ibig sabihin nandoon na raw ang taong nakatakda para sa 'yo. Or in short, Soulmate mo. Pwede 'yong katabi mo, o 'yong taong nakasabay mong sumilong. Basta nasa malapit na raw ito. Ang ibig sabihin kasi nito, kaya ikaw ay sinisinok dahil nakikilala ng puso mo ang magiging kabiyak nito at ang ulan naman ay sumisimbolo sa basbas ng panginoon sa inyong pagsasama. It's already a major headstart kasi malay mo makasama mo ang gusto mo sa pagkakataong ito at siya na pala ang soulmate mo.



No. 2: Red Strings

Ang kwentong ito ay kilalang-kilala ng karamihan. Sinasabi nilang pinakokonekta raw ng isang pulang sinulid ang dalawang tao na naatadhana para sa isa't-isa. The two people connected by the red thread are destined lovers. Regardless of the time, place or circumstances, this magical string may stretch or tangle but it never breaks. Maraming tao ang naniniwala sa kwentong ito at wala namang masama doon. It's the people's choice to believe and hold on to something.


No. 3: Spark

Ito ang pinaka-common na kwento sa lahat. Maraming tao ang madalas idinadahilan ito. Kesyo may spark daw. 'Yong tipong kapag nagkadikit kayo ay makakaramdam kayo ng daloy ng kuryente sa buong sistema ninyo. In short, La Luna Sangre ang peg.  Ang kuryenta daw ang nag-uugnay sa dalawang taong nakatakda at ang kuryenteng ating nararamdaman ay gawa ng pagtibok ng ating puso. Sa pamamagitan raw ng ito, pinapakita ang koneksyon meron ang dalawang tao. Pero sana 'wag tayong umasa para iwas disgrasya, Baka mamaya, isang short circuit lang pala.



No. 4: Dreams

Kapag hindi ka makatulog sa gabi, sabi nila may nag-iisip raw sa 'yo. May mga panahon talagang sobrang pagod na tayo at hindi na natin nalalabanan ang antok. Sabi ng mga matatanda, nakikita mo raw ang soulmates mo sa isang panaginip at kapag napanaginipan mo raw siya, ibig sabihin napanaginipan ka rin niya dahil kayo ang itinakda sa isa't-isa. Karamihan sa mga panaginip natin ay minsan nag-uugnay sa tunay na buhay, 'wag i-deny dahil may mga pagkakataon tayong tinatawag na Deja vu. Ibig sabihin, ito ay nangyari na sa nakaraan o nakita mo na dati. Marahil sa iyong buhay o sa iyong panaginip. Meron tayong tinatawag na Precognitive Dreams kung saan napapanaginipan natin ang maaaring mangyari sa hinaharap. Marahil isang Precognitive Dream ang sinasabi nilang panaginip natin tungkol sa taong makakatuluyan natin.





No. 5: Matching Fingers

Pinapaniwalaan noong mga unang panahon ang kwentong ito. Sinasabi nila na kapag ang singsing sa palasingsingan ng babae ay kasya sa hinliliit ng lalaki, ibig sabihin sila ay ipinagtagpo o nakatadhana. Soulmates raw ang dalawa kapag sakaling magka-match nga ang singsing sa palasingsingan ng babae at sa hinliliit ng lalaki. Minsan, 'yan ang pinapaniwalaan nila dati sa dalawang nais magpakasal o kahit mga magkasintahan pa lamang.




Marami mang mga kwento o gawa-gawang storya tungkol sa taong nakatadhana para sa 'yo, pero in the end, ikaw lang din naman ang nakakaalam n'yan. You and will always be you who will know when, where, how, why and whom will be your soulmate that you'll be spending the rest of your life with. Do not rush things to gain sweet fruits. Mas mabuti na 'yong dahan-dahan pero sigurado. Enjoy your life and search at pag napagod ka na, take a rest. Let love find you. Tiwala lang. May tamang panahon para sa lahat. At sa tamang panahon na 'yon, love will show you the way.

P.S. Kapag may nais pa kayong idagdag, feel free to drop it in the comment section below. Thank you for reading!







Mga Komento

  1. Hi po what if kung maka panaginip ka ng isang tao mahal mo siya at madami nadin ang sign na nalaman mo ngunit isang gabi napanaginipan mo pero ito ay galit? At Yong last po nagtitigan lang kami pero ramdam KO ang mga salita niya kahit sa Mata lang kami ng titigan.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

How To Make Ligaw 101

IBA'T-IBANG URI NG PAG-IBIG.