Adventures of Finding a Fafi
Maraming tao ang nag-iisip na madali lang maghanap ng taong papangarapin. Porket gwapo o maganda, check na! Porket talented, check na! Well, sabagay gano'n naman talaga ang hanap natin at hindi ko kayo masisi. Ang storyang ito ay base sa mga pangyayari sa totoong buhay. Limang tauhan ang nagkasama-sama at isang grupo ang nabuo dahil lamang sa iisang layunin.
Nagkakilala sa isang Facebook Group, Naging magkaibigan at gumawa ng GC, at ngayon, ay sama-samang pinagpapatuloy ang layunin ng kanilang samahan o ang FFT. Finding Fafi Troop.
Unang-una sa lahat, ang salitang 'Fafi' ay nagmula sa salitang 'Fafa' na ang ibig sabihin ay "Nilalang na taglay lahat ang katangiang hinahanap ng mga tao." or in short, "Ideal Guy".
Sa storyang 'to, dito bibida ang limang mga dalaga na nanguna sa paghahanap. At sa pakikipagsapalaran nila sa mundo ng birtualidad, natagpuan namin ang ilang klase ng mga lalaki sa chat o gc:
1. In Denial
-Ang mga lalaking ito ay 'yong mga tipong feeling teenager. Wao, anlakas maka deny. High school ang peg? Ito sila 'yong minsan mga nakaka-panggigil eh. Ang tagal niyo ng magka-chat pero lagi niyo namang linya ang "Magkaibigan lang talaga kami" kasi alaws label? Nakakairita rin sila minsan, palibhasa wala silang karapatang magselos kaya idinadaan nila sa pagtutulak sa 'yo sa iba. Ano kami? Push Cart sa isang Grocery store? Kasalanan ba naming mga babae na hindi pa kayo umamin? Kung mahirap umamin, mahirap din umasa at magtaka no. Chat ka ng chat tapos nagseselos kapag may iba rin siyang kausap eh wala namang kayo. Ang paraan kasi nila ng pagpapakita ng pagseselos ay ang pagtulak sa iyo sa iba. Halimbawa:
"Uy, balita ko gusto ka raw ni ano. Bagay naman kayo ah. Sige, do'n ka na."
Kapag sinabi niya 'to, hindi mo alam anong mafi-feel mo. Happy ba talaga siya o Binubugaw niya lang ako? Ano ba talaga? Kunwari "I'm happy for you as a friend" pero alam naman ng lahat na mangiyak-ngiyak na siya habang tina-type ang mga salitang iyon.
Kapag nagkaganiyan siya, isa lang ibig sabihin n'yan. Isa siyang malaking Denial King
2. Straightforward
-Ito, masasabi kong fan talaga ni Vice Ganda ang mga ito. Kasi sila 'yong tipong wala ng patumpik tumpik pa, Boom karaka karaka na! Kapag gusto ka nila, it's either makuha ka sa gulat o makuha sa gulat. Kakareply mo pa nga lang ng "Good Morning din", nakapag-confess na kaagad. Tsaka isang aspect sa taong straighforward kahit sa chat ay angpagf-flood nila ng messages. No wonder marami ang nahuhulog sa mga taong ganito. 'Yong kaka-on mo pa lang ng Phone mo, 20+ messages na agad lahat galing sa kanya. Ang sarap basahin no? Kaso sana lahat kayang magtagal. Minsan kasi 'yong iba, sa simula lang gan'yan. Kung kailan na nakasanayan saka pa titigil sa pagpaparamdam. Kamusta kaya 'yon? Matapos pakiligin ng konti, mawawala nalang bigla na parang bula?
3. Best Man o Friendly
-Ang mga lalaking 'to ay isang Ideal Guy talaga. Oo, Ideal Guy mo nga siya pero siya 'yong tipong mas gugustuhin mo nalang maging kaibigan kesa mawala pa siya. 'Yong tipong isang malaking 'Sayang!'. Ayos na sana siya pero mas gugustuhin niyang maging Best Man nalang kesa maging Groom. Ano naman 'yon? Magaling makipag-usap sa chat. Paniguradong hulog ang loob mo pero sa huli, sasabihin lang din pala niya ang mga katagang "I'll always be here for you as a friend." Edi wasak puso wasak esep tayo ng wala sa oras? Bakit ba kasi may mga tao na ganiyan!? Sana bago nila kunin ang mga loob natin, sabihin muna nila na "Warning, ganito lang talaga kami ka-friendly." Sa sobra niyang pagka-Friendly, mas gugustuhin mo nalang na maging kaaway niya eh. Mas delikado kapag kaibigan mo siya, nakakamatay. Hindi marunong sumalo!
4. Basher slash Hater
-Ang tipo ng mga lalaking 'to ay ang mga taong ansarap pektusan! Siguro dahil hindi nila alam kung paano nila ipapakita ang nararamdaman nila kaya nagpapapansin sila sa 'yo sa pamamagitan ng pangiinis. 'Yong magsasabi ka lang ng "Ang ganda naman ng umaga. Feeling ko tuloy ang ganda ko rin." tapos bigla nalang magrereply ng "Feeling mo lang. You're not feeling well. Bash." Sino ba naman ang hindi maiinis diyan? Sige sabihin na nating alam ng babae na may gusto ang lalaking 'yan sa kanya at gan'yan umasta, edi major turn off! Pero aminin natin, nakakairita man minsan, kinikilig pa rin. Kasi naiisip natin d'yan 'yong linyang "The more you hate, the more you love." Kaya sige, spread the hate. Chos. Spread love always.
5. No. 1 Fan
-Kung may mga taong bashers at haters kahit sa taong gusto nila, meron ding mga supporters at fans. 'Yong kahit ano sasabihin mo, susuportahan ka. Nakakataba naman ng puso. "Gusto ko kumain ng marami ngayon pero baka tumaba ako lalo." tapos sasabihan ka ng, "Ayos lang kaya. Chubby is the new sexy." Oha, panis 'yang 'I'm on a diet' niyo! Ang mga taong ganito ay ang mga taong dapat ichini-cherish. They are willing to support niyo because they care about your happiness. Pero ang kabaitang ito kasi minsan ay naaabuso. Gaya nalang ng bigla silang iniwan kesyo 'boring' daw. 'No challenge', 'No adventure' o 'No Thrill'. Aba! Kung 'yan pala 'yong hanap n'yo sa simula pa lang, edi sana nagpaligaw nalang sila sa Mt. Everest o di kaya sa Roller Coaster! Tingnan lang natin kung saan aabot 'yang puso niyo sa hinahanap niyo challenging adventure na 'yan. Masuwerte ang taong magugustuhan ng taong katulad nito. May mapagsasabihan ka na ng problema, may instang fan ka pa.
6. Multo
-Ito 'yong mga lalaking tahimik lang. Tahimik lang pero marami pa rin ang nagkakagutso. Tahimik lang pero marami pa rin ang ipinapares sa kanya. Tahimik lang pero marami pa rin ang kinikilig sa kaniya. In short, tahimik lang pero kuha ka na. Silent Killers sila eh. Isang 'pagbati' lang ang mensaheng ipinadala pero lahat ng mga kababaihan nagkagulo na. Ano meron sa kanila? Tinatanong pa ba 'yan? Eh 'di Charms. Charisma lang 'yan. Kung marunong kang magdala ng pa-mysterious profile mo, sigurado huli mo loob ng mga tao. Hindi lang para pakiligin kung hindi para na rin sila hayaang ma-curious. Let them have the benefit of the doubt, Cool ka lang d'yan. Mag Judge ka muna.
7. Bro
-Ito 'yong mga lalaking gumaganap bilang kuya mo kahit sa birtuwal na mundo. 'Yong tipong ang higpit pa rin sa 'yo kahit nag-uusap lang kayo sa chat. 'Yong kailangan mong magpaalam kung saan ka pupunta kasi palagi niyang mino-monitor. Palagi kang pinapaalalahanang umuwi ng maaga. O minsan kaya ay pinagsasabihan tungkol sa mga masasamang balak ng mga lalaki na kung makapagsalita ay parang hindi siya isang lalaki. Kesyo alam niya raw 'yan, eh di sana dapat mag-ngat rin tayo sa kanila di ba? Sadyang protective lang talaga sila. Eh di may kuya ka na, may tatay ka pa. 'Yong takbuhan mo o sumbungan mo kapag may nang-aaway sa 'yo kahit sa chat lang. Nagpapaalala sa 'yo na kumain sa tamang oras at matulog ng maaga. Masuwerte ka kapag may ganiyang tao sa paligid mo. 'Wag ka nang gumawa ng kahit anong bagay na ikasisira ng kung anong meron kayo. Kasi honestly, it feels good to have someone who cares about you and who's willing to listen to you and all your dramas and rants in life. Endangered Species nalang sila ngayon kaya alagaan sila ng mabuti at 'wag sasaktan. Dahil kahit anong istrikto man iyan sila sa inyo, tao pa rin sila at nao-offend din.
8. Lampa o Snob at Reptiles
-Masasabi ko, ito dapat 'yong mga lalaking hinahangaan natin ngayon. Kasi sila 'yong mga taong walang pake sa paligid nila. 'Yong kahit binibigyan na ng mga tao ng malisya ang pakikitungo o pakikipagusap mo sa kanya, wapakels pa rin siya basta makausap ka lang niya kasi may kailangan siya sa 'yo. Samantalang ikaw kilig na kilig na pero siya, alaws pa din. Para silang reptiles, cold-blooded animals!
9. Manhid
-Sa mga lalaking ito, nangangailang sila ng mahabang pasensya. Sila 'yong tipong tinalo ang yelo sa sobrang manhid! Alam na ng buong mundo pero siya hindi pa rin! Hindi marunong makiramdam. Hindi marunong makibalita. Hindi marunong bumasa ng kilos! Grabe. Manhid talaga. Minsan mapapagod ka nalang sa pagpaparamdam sa kanya kasi hindi rin naman niya iyon mapapansin.
10. Playboys
-Para silang addition. Lagi nalang naga-add ng bagong ka-fling. Nai-link na nga sa iba at may ship na, nagawa pang humanap ng iba. Habang nangyayari 'to, siya naman enjoy na enjoy sa pagpapakasasa. Akala mo naman ang gwapo-gwapo na kasi ang dami niyang nakolektang may gusto sa kanya. Akala mo sweet siya sa 'yo pero sweet pala siya sa lahat ng tao. Grabe. Magaling manloko, magaling magpakilig pero hindi marunong manindigan! In short, hindi nila alam ang salitang 'loyal'. Hinding-hindi mawawala ang mga lalaking ganito.
11. Hangin
-Ito 'yung mga lalaking tinalo ang Amihan sa kahanginan. Ayos lang naman ipagmalaki ang sarili at talento pero may kaibahan ang salitang "Ipagmalaki" sa "Ipagyabang". 'Yong halimbawa usapan n'yo ay tungkol sa nakuhang marka, ayos na sana kaso may biglang nagmayabang. "'Yan lang nakuha niyo? Ang dali lang kaya ng ganiyang topic. Hindi ko na nga pinag-aralan pero perfect pa rin ako sa exam." Sorry naman ah kung masyado kaming bobo para sa 'yo. Sige kami na mag-adjust, gawin ka na rin naming bobo para it's a tie na tayo! Kagigil 'to! Hindi naman kasi lahat ng tao pare-pareha. Kaya kung saan ka magaling, 'wag mong ipagyabang. Instead, you can use it to help others. Help them grow and help them know. Plus pogi points ka pa no'n pag nagkataon.
Sinabi ko na sa inyo, Hindi madali ang maghanap ng taong papangarapin dahil wala namang taong perpekto. Oo gwapo pero playboy. Oo talented pero mayabang. Oo Mabait pero mabait lang talaga siya. See? Lahat naman tayo pantay-pantay sa paningin ng diyos kaya 'wag masyadong mawalan ng kompyansa sa sarili. Espesyal ka sa espesyal na paraan.
P.S. Abangan ang Special Edition ng FFT. Marami kaming ituturo doon na tanging sa amin lamang manggagaling.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento