Signs Saying You're In Love


Minsan talaga, hindi natin maiiwasan ang mga pagkakataon kung saan hindi na natin namamalayan na nahuhulog na pala tayo at diyan pumapasok ang pagiging In Denial natin. Deny tayo ng deny kesyo hindi totoo kasi magkaibigan lang kayo kesyo hindi naman kasi inaasar ka lang niya. Mga ganiyang bagay, simple lang pero aminin, lagi nating naririnig.

Hindi naman natin kasalanan na nahulog na pala tayo. Love is sometimes mischievous but love is always sincere. Oo minsan mapaglaro ang tadhana, pero hindi naman ito napipilit. It will always happen what's meant to happen. Kapag nahulog ka, itinakda talagang mahulog ka. Saluhin ka man o hindi. Kapag hindi, itinadhana pa ring mahulog ka sa kaniya because you have to learn a lesson. You have to learn something from it. Para kapag nahulog ka, alam mo na.

Ito ang mga sinyales na maaaring nahuhulog ka na sa kanya.

Sign No. 1:

Smiles

Nagsisimula talaga lahat 'yan sa ngiti. Trust me, alam ko. Oo may ibang inaasar ka pero tanungin mo sarili mo, ni minsan ba hindi ka ngumiti dahil sa kanya? May mga pagkakataong hindi na natin namamalayan na nakangiti na pala tayo. Minsan dahil kausap natin sila, ka-chat o ka-text natin sila, o hindi naman kaya ay iniisip natin sila. Come to think of it, just the thought of him or her it already makes you smile. Ano pa kaya ang presence niya? It's all about being happy because of him or her.

Kapag nakangiti ka na, 'wag mo nang bawiin pa dahil lang natatakot ka o naguguluhan ka. Let yourself smile. Kung iniisip mong hindi tama dahil nakangiti ka habang iniisip siya, you're totally mistaken. What's wrong ba kung masaya ka sa company niya? Puwera na lang kung in love ka sa taong taken na. Masakit 'yan. Sa ganiyang mga pagkakataon, kailangan nating alalayan at limitahan ang ating mga nararamdaman.

Sign No. 2:

Thoughts

Hindi mo na namamalayang iniisip mo na pala siya. Nako, deny pa. Minsan, naiimagine pa nga natin ang ibang bagay na kasama natin sila. Kagaya nalang ng isang date sa park, o magkatabing nanonood ng sine. Mga ganyang bagay. Hindi 'yan maiiwasan eh. Minsan naiisip mo nalang siya bigla. At minsan nga napapanaginipan mo pa. Kapag lage mo siyang iniisip ibig sabihin, may malaki siyang impact sa buhay mo. It's either in love ka na sa kanya o isinusumpa mo siya. Pero mas malaki ang possibility na in love ka sa kanya, hindi mo lang namamalayan.

Sign No. 3:

Beat

'Yong biglang bumibilis na lang ang tibok ng puso mo. Maaraing kinakabahan ka sa presensya niya dahil mahal mo na siya o natatakot ka sa presensya niya kasi hindi mo matanggap na mahal mo na siya. You know, it's really okay to love. What's not okay is ang pagmamadali na mapasok sa isang relasyon. 'Wag na 'wag mamadaliin ang isang bagay dahil magiging panget ang resulta. Kapag nakaramdam ka ng mabilis na tibok sa puso mo tuwing nakikita mo siya, ibig sabihin lang n'yan na may malalim kang nararamdaman para sa kanya.

Sign No. 4:

Unconsciously Waiting

Hindi mo na namamalayang nag-hihintay ka na pala sa kanya. Sa mga reply niya, sa mga texts niya o kahit sa mga pangaasar niya. 'Yong para bang hinihintay at hinahanap-hanap mo na ang karaniwang ginagawa ng taong 'yon sa buhay mo. 'Yong nakasanayan mo na kaya hinahanap mo na kapag nawawala. Parang mga gano'n lang. Simple signs pero may deep meanings.

Sign No. 5:

Missing him/her

Sa lahat ng mga signs, ito ang pinakamahirap i-acknowledge. Dahil ito ang pinakamahirap bigyan ng pansin o kilalanin na nararamdaman mo na pala. Medyo matagal-tagal uusad ang stage na ito. Minsan kasi sa sobrang pagka-in denial natin, naloloko na rin natin pati isip natin. Napapaniwala nating hindi natin sila namimiss kahit ang totoo ay hinahanap-hanap naman talaga. Pero hindi naloloko ang puso. The heart knows what it wants. It just takes time to realize it but it's okay. Let's just hope that it won't be too late before we truly realizes what we wants.

Sign No. 6:

Jealousy

This is the most obvious yet the most hidden sign of all. Ito 'yong parang blind sign or blind warning. Obvious na nga, nakakaligtaan pa. That's because jealousy is often mistaken as anger. Dahil kapag nagseselos tayo, nagagalit tayo at naghahanap tayo ng mababalingan nito. May mga tao kasing ayaw isipin na nagseselos sila. Mas gusto pa nilang isipin na nagagalit sila. What's wrong of being jealous? Pwera na lang kung walang kayo. Kasi mahirap magselos kapag walang kayo eh. Wala ka sa lugar magselos kasi hindi mo naman siya pagaari. Gaya nga ng sabi ko, Kilos para iwas selos. Dahil kapag kayo na, may karapatan ka na. Distansya o disgrasya?

Sign No. 7:

Butterflies

Syempre, hindi mawawala sa part ng buhay pag-ibig ang kilig. 'Yong mga simpleng bagay na ginagawa niya, kinikilig ka na. Konting ngiti niya lang, tunaw ka na agad. Isang senyalis na 'yan. Ayos lang naman kiligin, basta 'wag sumobra. Alalay lang. 'Yong sinasabi nilang, Butterflies in my stomach dahan-dahan baka, ulcer na 'yan. Chos. 'Wag lang natin kalimutang alagaan ang sarili natin. Dahil 'yan na lang ang meron tayo kapag lahat umalis sa buhay natin.

Sign No. 8:

Di Mapakali

Ito 'yong bigla ka nalang nababalisa kapag andiyan siya o nagparamdam siya. Parang multo lang. Chos. 'Yong hindi mo alam ano ang dapat na gawin mo kasi 'di ka na makapag-isip ng tama dahil sa kaniya. Parang umabot 'yong tama ni kupido sa utak mo. Imbes na sa puso, napunta pa sa ulo.

Sign No. 9:

Perfect

This is when you think everything is perfect about him or her. Don't get me wrong. Ito 'yong kahit alam mo nang may mga pagkakamali siya, tanggap mo pa rin siya ng buo. When you think his or her flaws are perfect just the way they are. 'Yong kahit may lapses siya, tanggap mo pa rin siya at hindi ka natu-turn off sa kanya kasi nga mahal mo na. It's all about accepting one's imperfectness for the sake of love. Sabihin niyo ng cheesey pero 'yon ang totoo.

Sign No. 10:

Hurt

This is the confirmation of all the signs. Kapag nasasaktan ka dahil may kasama siyang iba o masaya siya sa iba, confirmed ang nararamdaman mo para sa kanya. Kasi this is just how it really works. You got hurt because he or she is happy with someone else. Masakit kasing makita na masaya siya. Masaya siya sa mahal niyang iba. Chos. But it's true. Kasi kakambal na ng pagmamahal ang masaktan. You have to be fully aware of that. Para wala kang sisihin at pagsisihan. You cannot blame yourself and most especially, you cannot blame love. If you got hurt, let the pain make you better not bitter. Kasi ang 'bitterness' hindi inuugali. I understand na may mga tao talagang bitter and we cannot blame them. Hindi natin alam kung ano ang pinagdaanan nila at kung ano ang storya nila. But as long as your story is still worth changing for, try to stop being bitter. Kasi one day, you'll feel being in love and being loved.

At the end, it's up to you and your heart if how will you react towards the person you love. Hindi naman 'yan nadidiktahan at mas lalong hindi nahuhulaan. We are different in our own ways and that's what makes us unique. You cannot measure love kaya 'wag kayong magkwentahan ng mga kaya niyong gawin para sa pag-ibig. Love comes out naturally and it flows genuinely. Just keep your heart blooming.




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

How To Make Ligaw 101

Sweet Myths and Beliefs About Soulmates

Confusions