Break Up Lines



I'm sure lahat tayo narinig na ang lahat ng klaseng break up lines. Minsan nga, hindi pa nasasabi alam mo na agad.

Nagtataka lang talaga ako, why do people love and break up? Bakit pa manliligaw at magmamahal kung manankit at mang-iiwan lang din naman? Mga linyang 'yan? Psh. Narinig na namin lahat 'yan. Wala na bang bago?

Break Up Line No. 1:

"It's not you. It's me."

OO! Talagang hindi ako, kung hindi ikaw. Sino ba naman ang nasa tamang pag-iisip na papasok pasok sa isang relasyon pero hindi rin naman pala kayang manindigan!? Bakit? Panget ba 'ko? Kapalit-palit ba 'ko? Oo. A-aray. Pero isa lang ang sigurado ako, walang mali sa atin. Talagang nasa kaniya lamang. It's not us, it's them. Boom! Haha.

Break Up Line No. 2:

"I'm sorry. It's just that it's not working out anymore."

Anak ng tokwa naman! Kung 'yan lang pala gusto mo, eh 'di sana niyaya mo 'kong mag-gym! Gusto mo lang pala mag-work out! Ba't kailangan mo pa 'kong hiwalayan?! Bakit!? Isn't there any choices left? Kailangan ba talagang maghiwalay? Instead of breaking up, why don't you try to work these things out together? Kasi kapag gusto, maraming paraan at kapag ayaw, maraming dahilan. Kung gugustuhin mo talagang 'wag siyang iwan, hindi ba't gagawin mo ang lahat manatili lang na buhay ang relasyon niyo?

Break Up Line No. 3:

"We're not happy anymore."

Gusto mo lang palang maging masaya ba't hindi nalang tayo kumuha ng clown? Bakit kailangan pa nating umabot sa ganito? Minsan talaga, ang mga linyang ito ang mga nakakapanggigil eh. Ano? Hindi ka na masaya sa 'kin? Mukha bang nakakatawa ako para sa 'yo? Chos. Nakahanap ka na ba ng bagong clown na ipapalit sa 'kin? Excuse lang talaga nila 'yang "We're not happy anymore eh."  Siya lang naman ang hindi dahil ang totoo, may nahanap na siyang iba na mapagkukuhanan ng kaligayahan niya. But of course, if you are not happy anymore you could always leave. Because you can never force happiness. Kaya mas mabuti nang iwan at masaktan ng isang beses kaysa ang manatiling mabuhay sa pilit at araw-araw maramdaman ang sakit.

Break Up Line No. 4:

"We're not meant for each other."

Bakit? Nakita mo ba ang future? Ikaw ba si Cupid? Diyos ka ba? Paano mo nasabing hindi tayo ang para sa isa't-isa? Kasi hindi ka kontento sa isa lang. Ganiyan naman kayo eh, madaling magsawa at pagsawaan ang isang bagay. Tapos ano? Pag nagsawa na kayo, iiwan niyo nalang kami sa isang tabi tapos maghahanap kayo ng iba. Naiintindihan ko rin naman. Kasi may mga bagay talaga na hindi itinadhana para sa isa't-isa. Ipinagtagpo pero hindi itinadhana.

Break Up Line No. 5:

"I'm tired."

Bakit ka napapagod? Hindi naman kita inaalipin sa relasyon natin ah? Saan ka napapagod? Sa akin? Sa responsibilidad mo sa akin? Sa mga away natin? Sana naisip mo lahat ng iyan bago ka pumasok sa isang relasyon. Ano? Pagod ka na sa akin pero naghahanap ka ng iba? I understand that whatever you experience in your past might serve as a lesson in your future. Tama. Kung hindi nag-work out ang mga bagay sa atin kasi napagod ka na, maybe pwede mo itong gamitin sa hinaharap. Alam mo na ang dapat at hindi dapat gawin. Alam mo na ang mga naging kasalanan at pagkukulang mo sa inyong nakaraan. Kaya siguro magtatagal kayo dahil sa akin, sa atin.

Break Up Line No. 6:

"You deserve someone better."

This is the most common break up line that's ever told. Wala na bang bago? Bakit ba lagi nilang sinasabi ang linyang 'yan? Why? Can't you become a better person so that you deserve to be with me? Bakit ayaw mo 'kong ipaglaban? Kasi kahit saan mo tingnan, if you really want to, you really could become one. If you really love me, you can become a better person so that you can say that I deserve you. I understand that if you love someone, you should not change and let them love you the way you really are. But a little change doesn't hurt. Especially if it's for a greater good.

Break Up Line No. 7:

"We're better off as friends."

Masakit palang ma-friend zone no? 'Yung kahit naging kayo, mas pinili niya pa ring maging kaibigan ka lang. Masakit men! Best friend material lang ba talaga tayo? Pwede mo naman akong maging kaibigan and at the same time, jowa. Hindi ba pwede 'yon? May mga bagay kasi talagang hindi pwedeng ipilit para iwas sakit. Kapag mas pinilit pa natin baka mag-iwan lang ng mas malalim na sugat. Mas mabuti pang tanggapin nalang natin para kahit papaano ay makabangon pa tayo galing sa pagkakalugmok. Pero pwede bang maging magkaibigan ang mag-ex? Hmm.

Break Up Line No. 8:

"Your life would be better without me."

Nakaka-bad trip talaga to the highest level ang linyang ito eh. 'Better without me'!? Kaya nga naging tayo 'di ba kasi masaya ako sa 'yo. Syempre mas magiging maganda ang buhay ko kapag kasama kita. O sadyang sa tingin mo mas gaganda ang buhay mo kasama ang iba? Am I not enough? Ano? Sagot! Chos. Alam naman naming gustong-gusto niyo na kaming iwan. Kasi bakit hindi mo susubukang maging better para sa atin? Ba't mas pinili mong bumitaw agad? Kasi hindi na maganda ang takbo ng relasyon niyo? Alam ko naman na minsan kinakailangan mong bumitaw. Pero may mga pagkakataon kasing sinusubukan lang tayo ng tadhana at kailangan lang nating magpakatatag at 'wag basta-basta sumuko.

Break Up Line No. 9:

"Kailangan ko pang hanapin ang sarili ko."

Bakit mo pa hahanapin eh andiyan ka lang naman? Chos. Itong linya na 'to 'yong tipong nakakalito na nakakainis. Hahanapin ang sarili? Bakit? Pakiramdam mo ba nawawala ka dahil sa 'kin? Nagsisisi ka na nakasama mo 'ko kasi hindi mo mahanap sarili mo? Sana jinowa mo nalang si Google Maps para 'di ka mawala. May mga tao kasing saka pa lang marerealize ang gusto nila sa buhay kapag napasok na sila sa isang relasyon. 'Yong tipong hindi pa pala sila ready kaya kailangan nila kayong iwan. Or iba pala ang tipo ng tao na nais niyang makasama habang buhay at hindi ikaw 'yon. Masakit sa part ng iiwanan kasi kumbaga para lang sila bato. Bato na ipupok-pok sa ulo para ma-realize ang mga bagay.

Sa totoo lang. Sawa na 'ko sa mga linyang 'to. Wala na bang bago? Narinig ko na lahat ang mga 'yan eh. Ikaw rin ba? Pero kasi sa huli, nasa atin lang din naman ang desisyon kung papaano natin patatakbuhin ang storya ng buhay natin.


If you love someone, set them free. If they come back, they're yours. If they didn't, they never were.

-Richard Bach




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

How To Make Ligaw 101

Sweet Myths and Beliefs About Soulmates

IBA'T-IBANG URI NG PAG-IBIG.