How To Deal With Your Crush In Different Scenarios
Alam naman nating lahat 'di ba kung ano ang epektong dala sa atin ng hagupit ni Bagyong Crush? 'Yong tipong yanig buong sistema mo hanggang utak kaya minsan, nama-mind block tayo kung ano ang gagawin natin.
Hindi naman ako naniniwalang natutulala kayo na tipong tumutulo na ang laway dahil lang natabihan kayo ni Crush kagaya ng mga napapanood o nababasa na 'tin. Mas maniniwala pa 'kong matatapilok ka dahil hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo o makabunggo ng ibang tao dahil sa katangahan mo. Pero 'wag mag-alala dahil hindi ka nag-iisa. Marami tayo. ;)
Kaya nandito ako para bigyan kayo ng ilang tips on How to deal with your crush in different scenarios.
Scenario # 1:
Kapag nakasabay maglakad
Let's not expect guys. May mga tao talagang ayaw magkaroon ng kasabay maglakad at baka isa 'yang crush mo sa mga ganoong klaseng tao. Kaya, bago ka pa man niya unahan at tuluyang talikuran, mauna ka ng maglakad. Lead the way! Aba, masyado tayong maganda o gwapo para mapunta lang sa likuran no! Mauna kang maglakad pero 'wag mo namang lakihan ang distansya ng pagitan niyo ni Crush mo. Sakto lang. Kailangan dito, attentive ka. Tingnan ang dinadaanan mo at tingnan ang sarili mo. Kung mukhang okay ka naman, ayos na. Kailangan 'wag mag tanga-tangahan. Baka hindi pa nga kayo nakakailang minutong magkasabay, natapilok ka na. Nako, major face palm 'yan. Ayusin ang paglalakad. 'Wag masyadong OA at mas lalong 'wag siyang titigan ng obvious. Baka ma-irita lang at mag-U turn. Edi good bye chances tayo.
Scenario # 2:
Kapag Nakatabi sa Pag-upo
Sa mga babae, ayusin natin ang pag-up lalo na at nakapalda tayo. Let's try to look innocent. 'Yong tipong Dalagang Pilipina na hard to get. Mahirap na at baka maisipan pa tayo ng masama. Kunwari mataas standards natin masyado at hindi siya pumasa. Kung hindi ka sanay sa mga ganito, kahit man lang subukan mong magmukhang presentable. May ibang mga lalaki pa naman na ang daling mang-judge ng mga babae. Akala mo naman kung sinong gentleman. Tandaan, bago umalis, pabaonan mo siya ng isang bonggang hair flip. 'Wag masyado OA ah? 'Yong tamang pag flip lang ng buhok, kesyo naiinitan ka raw pero hindi naman talaga. Kapag hindi siguradong magagawa ito, ay kalimutan nalang. Baka mapagkamalan pa tayong baliw.
Scenario # 3:
Kapag Nagkatawanan
Nako medyo mahirap ito. Mahirap pa namang labanan ang nakakatawang mga mukha ng kaibigan mo. Chos. Mahirap kasi magpigil ng tawa. Mas mabuti ng 'wag pigilan kung hindi, baka ibang hangin ang lumabas. Mas mahirap 'yon. Kapag nagkatawanan kayong magkaklase at nandoon si crush, keri lang 'yan. Ngiti ka muna, saka tawa. Ayan. Pak Ganern. Makuha ka sa mga ngiti, crush. Siguruhing genuine lang ang tawa ah? 'Wag 'yong pilit kasi madaling mahalata 'yon at baka isipin niya pa na 'fake' ka. 'Wag ka lang matakot ang tunay na ikaw pero limitahan mo naman. Dahan-dahanin, 'wag mong biglain baka bigla ring mawala ang katiting na chance na meron tayo.
Scenario # 4:
Kapag naging Groupmates
Nangyayari ito kapag magkaklase kayo ni Crush. Kapag dumating ang pagkakataong ito, dalawa lang ang nararamdaman natin d'yan. Kaba at Saya. Kaba kasi crush mo nga siya. At saya kasi crush mo nga kasi siya. Gets n'yo? Oo, alam kong gets n'yo. Kapag gagawin niyo na ang nakatoka sa inyo at mas mabuti kung alam mo ito, aba'y magpakitang gilas ka na. 'Yong tipong, Watch and Learn Crush, akin 'to. Grr. Ayan! Perfect! Pero kung hindi mo field ang nakatoka sa inyo, try mong makipag-cooperate at mag-suggest. Para bilib rin siya sa 'yo. Para bang nagsasabi kang, "Dito nga ang active ko, sa buhay mo pa kaya kapag naging tayo?" Bongga!
Scenario # 5:
Kapag Napahiya
Tandaan, hindi porke't napahiya ka ng isang beses ay katapusan na ng mundo. Maraming kalse ng pagpapahiwaya ang pwedeng mangyari. Pwedeng pinagalitan ka ng teacher mo sa harap ng crush mo, O inatake ka ng katangahan mo sa harap ng crush mo O Hindi naman kaya ay pinahiya ka ng mga kaibigan mo sa harap ng crush mo. Maraming klaseng pagpapahiya at bibigyan natin 'yan ng solusyon. Kapag pinagalitan ka ng teachet mo sa harap ng crush mo, maging mabait ka lang. Sabihin mo sa teacher mo na humihingi ka ng pasensya at hindi mo na uulitin. Dagdagan mo lang ng ilang touching words. For example, "Yes ma'am/sir. I'm sorry, I won't do it again. I promise, for the sake of the Philippines and my fellow countrymen." Edi Lusot ka kaagad! At kapag inatake ka naman ng katangahan mo, 'wag kang mahihiya kasi magmumukha tayong tanga. 'Wag kang tatakbo at mas lalong 'wag kang iiyak. Tumawa ka lang. Lahat 'yan nadadaan sa tawa. Hala sige lang, pagtawanan mo lang lahat ng problema kahit mukha na tayong baliw. Idaan mo lang sa tawa at sabayan ng biro. "Hahaha nahulog ako. Nahulog sa 'yo." Boom! Edi instant galawang hokage ka na rin do'n. Ganyan din kapag pinahiya ka ng mga kaibigan mo. Itawa mo lang. Tawa lang kahit masakit na. Masakit sa panga. Chos haha.
Scenario # 6:
Kapag Nakatabi o Nakasabay Sa Isang Pila
-Itong scenario na ito ang pinakagusto ng iba. Kasi dito, may chance na maka-Chancing ka. Aba, makatabi mo ba naman si Crush sa pila, edi gaganahan kang mag Keep the change n'yan ng wala sa oras. Pero aminin natin, hindi talaga maiiwasang ma-haggard pero dapat, lagi tayong handa. Kahit anong mangyari, never lose your temper. Kahit may tulakan mang nangyayari. Ngiti at Kalma ka lang at alagaan ang poise.
Scenario # 7:
Kapag Nakasabay kumain
-Naiintindihan kong marami tayong malakas kumain dito at ito ay medyo mahirap solusyonan. Pero kakayanin. Aba, tayo pa ba magpapatalo? Unang-una sa lahat, 'wag mong pipigilan ang sariling mong kumain lalo na at gutom na gutom ka na. Aba, bakit? Siya ba magbabayad ng gamot at pang-hospital mo kapag nagkasakit ka ng ulcer? Hindi, kaya gora lang! Basta 'wag lang nating lalabagin ang Golden Table Etiquette. Dapat observe proper way of eating pa rin kahit malakas ka kumain. 'Wag mong masyadong ipahalata na gutom ka na. 'Wag mong baguhin ang sarili mo para lang sa kanya. Kailangan niyang tanggapin kung ano ka. Magpakatao muna tayo kahit ngayon lang, alang-alang kay Crush. Para hindi naman siya ma-turn off.
Scenario # 8:
Nakatabi sa o Nakasabay sa Pagsakay
-Sa scenario na ito, tapang ang labanan. Kailangan mong labanan ang hangin at alikabok. Dapat mukhang fresh ka pa rin kahit ilang beses mo nang sinalo ang buong dumi meron ang lugar na tinitirahan natin. Kaya dapat, observe cleanliness para magkaroon ng pag-asa sa Crush mo. Kung mahirap kalaban ang hangin at buhaghag na ang buhok mo, subukan mo itong itali o i-bun para kahit papaano ay magmukha naman tayong tao. Palaging ihanda ang panyo at pantali ng buhok at saka suklay at pulbo. 'Yan lang talaga sapat na. Tandaan, simplicity is beauty.
'Yan lamang ay ilan sa mga pinaka-common na mga scenarios na nangyayari sa pangaraw-araw na buhay natin. May alam ko pa bang mga scenarios na wala dito? I-comment na at sabay nating bigyan ng solusyon.
Nawa ay makatulong ang blog na ito sa mga problema mo. Smile! :) Thank you for reading! God Bless.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento