The Art of Pangaakit Kay Crush In Different Ways
It's not like literally Pangaakit. Let's just say, Making the feeling, mutual.
Sino sa inyo dito ang One-Sided crush lang? Bakit, may iba na ba si crush? O hindi naman kaya ay hindi ka niya napapansin? Or let's just say you've done your part pero alaws pa din. Never give up! Hanggang buhay ka at buhay siya, may pag-asa!
Isa akong writer kaya alam kong marami sa mga kababaihan diyan ang gustong maging mala-Wattpad ang buhay nila.
May iba't-ibang uri talaga ng tao na may kanya-kanya ding pamamaraan ng pagpapakita sa nararamdaman nila.
1. Megaphone o Globe
-Mga taong loud at vocal. Ito 'yung tipo ng mga tao na wala ng pake sa mundo. Basta't crush kita, akin ka! Sila 'yan. Araw-araw o kung pwede nga oras-oras pinapahayag ang nararamdaman nila. "Hi. Crush kita." "Hi, alam mo bang crush kita?" "Excuse me, nasabi ko na ba sa 'yong crush kita?" "Hi. Ako nga pala self-proclaimed GF mo." "Hi crush! Alam ko naman crush mo rin ako deep inside." Kitams? Sila 'yong mga kamag-anak ng Dictionary. Para silang Globe Sim Card, Go lang ng Go.
2. Espirito o BDO
-Mga kakaiba ang Fighting Spirits. Ang mga taong 'to 'yong kadalasang nababasted na nga, sige pa rin. "Kahit ilang beses mo kaming idedma, hangga't buhay ako at buhay ka, may pag-asa sa ating dalawa." ang motto nila. Kahit may GF/BF na si Crush, walang makakahadlang sa kanila. Tatawirin bawat daan, lalanguyin bawat dagat at aakyatin bawat bundok, Makuha ko lang ang matamis mong 'Oo'. Dugong BDO kaya 'to! We find ways. Kahit hindi sila magkaklase, aba nakaya pang habulin si Crush makasabay lang sa pila sa Canteen. Ayos na kahit sumingit pa siya sa harapan ko. Kahit na-turn down na, never give up pa rin! Aba, 'wag mamaliitin. Marami silang baong pakulo, dahan-dahan at baka ikaw ay kiligin!
3. Alien o Google Translator
-Sila 'yong mga taong out of this world mag-mahal (Naks). Alien sila dahil may sarili silang langguage na sila lang ang nakakaintindi. Magulo kaya kung ako sa 'yo, basahin mo muna ito. Mga taong pinsan ni Google Translator. Magaling sila mag-interpret ng mga salita sa kanilang lingguwaheng tanging sila lamang ang nakakaalam. Sila 'yong mga nabubuhay sa mga katagang "The more you hate, the more you love." At may sarili silang interpretasyon ng mga salita. For example:
"Ayoko sa 'yo." = "I love you."
"Umalis ka na nga." = "Stay with me."
"Nakakairita ka." = "You're cute."
"Get lost." = "Be my world."
Oha? Na-gets mo na ba? Kung oo, certified alien ka! Congrats! You've found your inner self. :)
4. Mushroom o Sabaw at Kanin
-Ito 'yong mga taong mahilig tayong gulatin para pakiligin at bigyan ng Soup-rices. Hindi sila nauubusan ng mga paandar para i-surprise tayo. 'Yong tipong dinadaan sa harana, sweet texts, batian sa tawag o chats, pabigay-bigay ng flowers o chocolates o minsan biglang dadalawin ka sa room niyo o sa bahay niyo. For short, para silang kabute. Sumusulpot nalang bigla. Effective 'to. Malay niyo hanap-hanapin? Edi panalo tayo! Pero paalala lang, hinay-hinay lang sa surprises. Baka imbes na mahulog siya sa 'yo, sa ospital pa siya bumagsak. Walang masama sa surprises, masama lang kapag sumobra na. 'Wag sumobra para hindi masira ang pag-asa.
5. Typewriters o Ballpen at Papel
-Sila 'yong mga sponsored ng intermediate paper at HBW na ballpen. These people express their feelings through writing love letters, poems, stories about their crush. 'Yong tipong, simple lang pero ramdam mo ang sincerity. Kapag nahihirapan silang umamin vocally kaya pakikiligin ka nila secretly. Minsan bibigyan ka lage ng sweet notes sa arm chair, sa locker o sa notebook. 'Yong galawang 'makuha ka sa salita'. Kilig no? No'ng nagpaulan siguro ng ka-sweet-an, matiyaga silang nag-aantay sa labas siguro. Love letters are simple yet breathtakingly sweet. Kasi pwede pang itago ng habangbuhay. Hindi man niya naibalik ang feelings niya at hindi kayo ang ka-forever, at least may possibility na pwede niyang itago ang mga sulat mo forever 'di ba?
6. Hangin o Multo
-Tama. Minsan nagkakagusto rin ang mga multo...
Chos!
Ang mga taong 'to ang tinatawag na mga 'Secret Admirers' o kung minsan sa kasamaang palad, 'Stalkers'. 'Yong mga taong nagbibigay ng regalo sa 'yo sa locker pero hindi nagpapakilala. O hindi kaya ay mag-uutos ng isang tao na ibigay ang bulaklak sa taong gusto tapos pag tinanong kung kanino galing, sasabihing hindi niya daw kilala. Minsan, nagpapadala rin sila ng mga sulat tapos sasabihin sa huli, 'Anonymous'. Sayang naman effort kung hindi rin kayo maa-acknowledge. Naiintindihan ko na minsan natatakot kaya ma-reject. Pero wala namang masama kapag sumubok 'di ba? Kesa naman forever ka ng stuck sa mga "What ifs" mo. What if ma-appreciate niya pala? What if gusto ka rin niya pala? What if naghihintay lang pala siya sa 'yo? Kaya kung ako sa 'yo, gawin mo na bago pa mahuli ang lahat. Kasi heart aches begin when it's all too late. Magpakilala ka na, baka mahuli pa ang lahat at ibang tao ang isipin niya. Edi sayang lahat ng efforts mo kung mapupunta rin pala sa iba?
7. Wifi o Pagong
-Ang mga taong 'to ay parang Wifi at Pagong, mababagal. Umasenso ka naman! Umunlad na ang Pilipinas at lahat-lahat pero torpe ka pa rin. 'Di mo maamin-amin ang nararamdaman mo sa kanya. Naghihintay ka pa na itulak ka ng katotohanan? Hello? 'Wag gano'n, baka maunahan ka ng iba. Mahirap pa namang mag-selos kapag walang kayo. Isantabi ang takot at kaba at magsimula ng umarangkada! Kilos para iwas selos! If you want to be together, you have to-get-her.
Ikaw? Isa ka ba sa pitong 'to? Kung may alam pa kayong ibang uri ng pagpaparamdam, lapag lang sa comment section at pagpasensyahan ang kasabawan ng blog na ito.
Tandaan! Hangga't buhay ka at buhay siya, may pag-asa! God Bless!
P.S. Hi Shawi q at Te chio q. Itigil niyo na ang kahibangang ito. :(
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento