OPEN LETTER PARA SA MGA PAASA


DEAR MGA PAASA,

           Hi! :) Pwede ba? Sana kung wala pala kayong gusto sa amin o balak na saluhin kami, bigyan niyo naman kami ng headstart. For example, "Hoy, Pampalipas oras lang kita kaya 'wag kang ma-fall." Okay? Tsaka 'wag na rin kayong magpakita ng motibo na ikaka-misunderstood namin, kung pwede lang 'wag na rin kayong magpakita eh.

            Oo na, kasalanan na namin dahil assuming kami. Assuming din kayo eh, akala niyo ikinagwapo o ikinaganda n'yo 'yang pagiging paasa at pa-fall niyo. Know your limits please lang. Linawin niyo naman kasi ang lahat bago kayo umaksyon diba? Para alam namin kung anong klaseng first aid ilalagay namin kapag nahulog kami. Edi sana hindi kami magmumukhang tanga sa huli.

            Mahirap umasa pero mas mahirap maging tanga. 'Yon lang naman :) . Maraming Salamat.


                                                                                         Nagmamahal pero never minahal,

                                                                                                        MGA PINAASA N'YO -_-

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

How To Make Ligaw 101

Sweet Myths and Beliefs About Soulmates

IBA'T-IBANG URI NG PAG-IBIG.