Love in the Coffee Shop (Inspiring Short Story) Written By: Superzaiaa





Amore Café
Kling!
Tunog ng bell ng coffee shop sa may entrance door.
Bumukas ang pinto at bigla kang pumasok.
Naka tingin lang ako sa'yo habang diretso kang naglalakad papuntang counter at umorder.
Matapos mong mag-order diretso ka lang na naupo sa paborito mong pwesto nang walang tinginan sa paligid. Ganyan ka ka-busy... ata?
Matapos ng ilang minuto at dumating na rin ang order mo.
Akala ko magtatagal ka pa, 'yun pala umalis ka na kaagad.
'Yan lang ang nangyari sa loob ng dalawang linggo, walang bago, puro luma.
Isang araw napagdesisyunan kong lumapit sayo at magpakilala.
Hoo! Kinakabahan ako. Pero wala namang masama kung susubukan ko diba.
Tumayo ako sa kinaroroonan ko. Humakbang ako papalapit sayo kaso biglang bumaligtad ang sikmura ko kaya napaatras ako.
Lumipas ang tatlong araw at ganun parin ako. Magdadalawang isip kung lalapit ba o hindi, nang may naisip akong magandang ideya.
Isang araw, nakita na naman kita na kakapasok palang at diretso ng counter para umorder.
Matapos mong sabihin ang order mo, sinigurado ko munang aalis ka na sa counter at babalik sa upuan mo bago ako bumulong sa isang staff na pinagorderan mo.
Pinagmasdan muna kita sa malayo hanggang sa dumating ang order mo at napatago ako sa diyaryong hawak ko.
Nakita ko ang bakas ng pagkagulat sa mukha mo, akala mo pa nga ay hindi sa iyo. Ang buong akala ko talaga ay itatapon mo ito pero laking gulat ko nalang nang ika'y ngumiti at masayang ininom ang kape habang paalis sa café.
Sumunod ang mga araw at ganoon parin ang nangyayari. Bawat order mo, pinalalagyan ko ng sulat.
Bilang ko pa ang sulat na nailagay ko na. Ang alam ko, May labing walong sulat na akong naipapadala sa'yo.
Dumating ang panahon na mukhang nagtataka ka na at gusto mo na yatang malaman kung sino ako.
Kaya napag-pasyahan ko na mgpapakilala na ako sa'yo.
Biyernes. Ika-18 ng Hulyo. Alas singko nang hapon. Magpapakilala na ako sa'yo.
Pagkapasok mo nang coffee shop, nilagay ko sa sulat ang lugar at oras kung kailan at kung saan tayo magkikita.
Lovers' Lane Park. 5:30 p.mNaka-red V-neck T-shirt akoSee 'ya! ☺😍
Excited at nagmamadali akong pumunta sa tagpuan natin.
Nagdala ako ng bouquet of red roses, paborito mong kape at ang pinaka-importante sa lahat, ang pang dalawampu kong sulat. Ang huli kong sulat. Ang sulat ng pagpapakilala ko sa'yo.
Mas lalo akong kinabahan pero masaya din lalong lalo na nang makita kitang nakaupo sa isang bench habang naghihintay.
Nakangiti akong humakbang papalapit sa'yo ngunit hindi pa man ako tuluyang naka-lapit, may isang lalaki ang lumapit sa'yo.
Naka-ngiti kang sinalubong siya.
Isang lalaking naka-red v-neck t-shirt. May dalang bouquet ng red roses at ng paborito mong kape.
Magkaparehang magkapareha nga kami. 'Yun nga lang wala siyang sulat na dala para sa'yo.
Napayuko ako. Siguro hindi lang ako ang nagbibigay ng sulat sa'yo noh? Tsaka siguro hindi talaga tayo para sa isa't-isa.
Muli kitang tinignan sa huling pagkakataon bago ako tuluyang umalis.
Nakangiti ka. Kitang kita ko na masaya ka.
Claire, hindi ba talaga tayo ang para sa isa't-isa?
Siguro wala nang silbi ang mga dala ko kaya mabuting itapon ko nalang.
Hayaan mong basahin ko ang huling sulat ko sa'yo.
HiNaaalala mo pa ba'koKung hindi napwes ipapaalala koAko 'yung bata noon sa Lovers' Lane park na tumulong sa'yo nung nahulog ka. Naalala mo pa ba? Do'n nagsimula ang pagiging magkaibigan natin. Childhood Friends kaya tayo.
Grabe kang umiyak noonnagtataka nga ako eh kung iyakin ka pa ba hanggang ngayonHahaha. Hindi man tayo classmates no'ng nag-aaral pa tayo dati pero hindi naman 'yon naging hadang sa pagkakaibigan nating dalawa eh.
Clairegusto ko lang sabihin sa'yo na ako yung nagapapadala ng mga sulat na nakadikit sa kape moMay iba nga na kalokohan lang para mapangiti ka lang.
Hindi mo siguro napapansin pero 15 years na akong nakasunod sa'yoFollow your dreams nga dibaKaya sinundan kitaNakita kong grumaduate ka sa ibang school nang elementaryhighschool at collegeNakita ko kung pa'no ka mahirapang magtake ng Board exam sa Med. Nakita ko kung gaano ka kasaya nang pumasa kaNagpadala pa nga ako ng gift sa'yo ehNasundan kita mula pagpunta mo
nang AmericaJapanItaly at sa iba pang lugar. Gusto sana kitang makasama kahit sa sandaling panahong natitira na meron ako sa mundong 'to. Lahat
ng hirap ko for 15 years ayos langmakuha ko lang ang tamang sagotClaire Ajenn Monteverdewill you marry me?.
Kaso mukhang hindi na 'to matutuloy Claire eh.
Tinupi ko ang papel at pinasok sa bulsa ko at muli kang tinitigan sa huling beses bago ako lumayo.
Paalam Claire. Patuloy kitang mamahalin hanggang sa huling hininga ko.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

How To Make Ligaw 101

Sweet Myths and Beliefs About Soulmates

Confusions