Things That Guys Should Do To Avoid Making Their Girlfriends Angry


Mahirap mag-selos pero mas mahirap manuyo ng taong nagseselos. Here are the things that guys should do to avoid making their girlfriends jealous.

Unang-una sa lahat, hindi naman magseselos ang tao ng walang dahilan. Mababaw man o hindi basta may rason pa rin 'yan and you guys should feel grateful kapag nagseselos siya dahil ibig sabihin lang no'n, may pake siya at takot siyang mawala ka sa kaniya.

1. Know the things she wants and doesn't want

Kung talagang boyfriend ka niya and you really care for her, dapat alam mo kung ano ang mga ayaw niya at gusto niya.
Of course this really sound general pero let's just look at the basics gaya ng pagiging late sa date or makalimutan ang isang special occasion sa relationship niyo. Well, of course ayos lang kung may valid reason but you can't expect everyone to be that understanding right kaya better safe than sorry.

And maybe gusto niyang sinusundo siya o kinakamusta siya lage, you can do that naman to her to make her feel special though I know some guys na ayaw sa mga ganito ganiyan kasi cheesy at masyadong madrama pero you have to bear with that. Eh sa siya 'yong pinili mong ligawan at mahalin eh. You have to accept every inch of her imperfections even if it means pakikisabay sa kaniyang mga drama sa buhay.

2. No lies. Pure Honesty

This one's really important. Mahirap ipagpatuloy ang isang relasyon na binubuo lamang ng kasinungalingan. Naks naman. Pero seryoso, totoong mahirap maging masaya sa relasyon niyo kung lagi naman kayong nangangamba dahil baka isang araw, magising na lang kayo ng umiiyak dahil sa mga sekretong inyong tinatago.

Trust me, mahirap magmukhang tanga lalo na kung 'yong taong 'yon ay pinagkakatiwalaan mo talaga.

3. Assurance and Actions

Assurance dahil 'yan ang kailangan namin para alam naming sigurado kayo sa 'min at maipapakita ninyo ang assurance ninyo sa pamamagitan ng inyong mga actions. Pero 'wag naman sanang puro actions lang dahil kailangan din namin ng confirmation mula sa mga salita ninyo. I know na actions speak louder than words but actions without words are confusing. Ano? Puro na lang kami hula? Tsaka sana 'wag mawala ang warmth at sweetness niyo sa actions at behaviors niyo towards us dahil I warn you, madali kaming maka-sense ng coldness sa ikinikilos niyo.

4. Give her time.

Nothing is ever more precious than a gift of time. Kasi I always believe that no one is ever too busy, it's just that maybe you're not one of his/her priorities. Kasi pag mahalaga sa 'yo, kahit ga'no ka pa ka-busy magagawan mo ng paraan para mabigyan siya/ito ng oras 'di ba? If you love someone or something, you unconciously give him/her/it your time. 'Di mo na kailangang tandaan dahil natural na 'yan na lumalabas because it serves as the reflection of your thoughts and feelings.

Mahalaga ring mabigyan mo siya ng kahit konting time lalo na't masyado kang busy sa ibang bagay. Baka mamaya maramdaman niyang hindi na siya mahalaga sa 'yo at iba na ang focus mo. Kahit bagay o laro 'yang pinagkakaabalahan mo, nakakapagselos at nakakapanggalit pa rin 'yan.

5. Warm Fuzzies

Kahit anong mangyari, 'wag niyong kalimutang lagyan ng tamang kilig ang bawat relasyon niyo kasi 'yan ang pinaka-effective na paraan para tunawin ang lahat ng mga pag-aalinlangan. 'Yon ay kung, seryoso ka talaga sa Girlfriend mo. May mga tao kasing magaling lang magpakilig pero 'di mo magawang manalig. May mga taong ang galing manglambing kahit na may tinatagong lihim. Hmm. Sana naman 'wag kang maging isa sa kanila.

I understand na may mga couples na hindi na lang nagse-settle sa kilig-kilig pero aminin natin, ang sarap ng feeling na kiligin! Sustain your closeness to contain the happiness. 'Yan talaga ang Golden Rule natin! At lagi sana natin 'yang pakatandaan.

6. Cuddle Not Struggle

May mga panahong gusto lang ng mga babae na magpalambing. Kaya minsan, kunwari galit-galitan, selos-selosan at taray-tarayan, isa lang naman ang ibig-sabihin niyan: Ang Lambingin at Suyuin Sila. Pero hindi lahat ng tao ay nage-gets ito. 'Yong tipong obvious na nga kasi nagda-drop na ng hints, hindi pa rin ma-gets na gusto lang naming lambingin o malambing! Kaya dahil sa ka-slowhan minsan ng mga lalaki, nauuwi pa ito sa away at ang mas masaklap pa diyan, minsan nauuwi sa break up.

Kaya gentlemen, I am writing this to give you a hint. 'Wag nating pairalin ang init ng ulo. Cool heads should prevail. Always look at the bright side na gusto lang naman nilang lambingin sila pero minsan away pa ang naibibigay. Let's just be understanding at habaan ang pasensya ng mga babae. If you have issues about these stuffs, talk it out pero sa tamang panahon at lugar. Dahil pag parehas kayong nag-aalburoto, baka mamaya samain pa kayo. Mabuti na 'yong may tamang tiyempo.

Alam ko namang maraming pang mga bagay diyan na dapat niyong gawin but ito na muna for now. It's for you to know and for me to find out na 'yon. I wish you good luck in your relationship but lagi niyong tatandaan na may napagdadaanan ka man ngayon, there will always be happiness that's waiting for you at the end of your sadness. Charot. Ika nga nila 'di ba? There is no rainbow without a little rain kaya smile ka lang!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

How To Make Ligaw 101

Sweet Myths and Beliefs About Soulmates

IBA'T-IBANG URI NG PAG-IBIG.