IBA'T-IBANG URI NG PAG-IBIG.




Ayayay Ayayay ang Pag-ibig, pag pumasok sa puso ay maligalig~

Maraming iba't ibang uri ng pag-ibig kaya chill lang tayo dahil hindi porke't sasabihing "pagmamahal" o "pag-ibig" ay 'yong jowa-jowa o asawa na agad. Dahil maraming klase ang pag-ibig, marami rin ang dahilan upang tayo ay masaktan. Charot. Ganern.

PAG-IBIG NO. 1

FRIENDS

Ito 'yong double blade na uri ng pag-ibig eh. Alam mo 'yon? 'Yong may dalawang ibig sabihin. Para sa magbabarkada kaligayahan rin ang love for friendship. 'Yong tipong, tropa-tropa lang. Walwal dito, chika doon. Tawa dito, talakan doon. Pero para sa ibang mga mag-best friends, ang love as friends only ang total kabaliktaran ng kaligayahan. 'Yan 'yong tinatawag na friendzone. Na-experience mo na ba 'yon? Mashaket.

PAG-IBIG NO. 2

YOURSELF

Naks naman. Alam kong marami ang makaka-relate dito. 'Yong parang You're done being strong kasi pagod ka ng masaktan kakamahal mo sa ibang tao. Puro ka lang give wala ka namang na-receive. Awts. Ansaket 'di ba? Kaya nang matuto ka na, 'di ka na nagmahal ng iba. Bago ka kasi magmahal ng iba, mahalin mo muna ang sarili mo para at least kahit anong basag pa nila sa damdamin mo, may pundo kang mga piraso para buuin ulit ito. O ha? Laban lang teh. Ngiti lang 'yan. Dahil sa labanan ng pag-ibig, kapag hinayaan mo silang saktan ka ng todo, talo ka.

PAG-IBIG NO. 3

FAMILY

Tandaan n'yo lang lagi, wala man kayong love life never naman mawawala ang 'love' sa 'life' n'yo. Nand'yan naman lagi ang pamilya. Iwan ka na ng lahat-lahat pero 'di ka iiwan ng pamilya mo. At pag sinabi kong pamilya, hindi ibig sabihin no'n na 'yong mga kadugo mo lang kasi meron namang maga laman at dugo natin na nangiiwan pa rin. Pwede mo namang maging pamilya ang mga taong hindi mo kadugo basta ang turingan at samahan ninyo ay isang pamilya na. Keri boom na 'yan.

PAG-IBIG NO. 4

FOODS/MATERIAL THINGS

Aminin na natin mga ka-chillax, mahilig tayong kumain. Eh sino bang nakakatanggi sa pagkain aber? Kapag nade-depress tayo dahil problemado sa work o sa school o sa relationships, pagkain lang naman ang magiging sandalan natin o 'yong sa iba naman, alcoholic drinks. Pero 'di ba? Sa panahon ng pangangailangan, pagkain ang laging nandiyan. Stress Eating kumbaga. At may iba rin sa atin na mahilig mangolekta ng mga bagay-bagay. Kahit ano basta 'yong nagugustuhan nila. Mga anime characters, manga/comics, watpad books, Cartoon Characters, Robots, Figurines at iba pa. Aminin, napapasaya kayo ng mga 'yan. Mabuti pa nga sila eh, nagtatagal sa 'tin. Tamang alaga at tiyaga lang talaga. Pahalagahan natin ang mga bagay na 'yan lalo na kung may dala sila sentimental value. Malay mo galing pa 'yan sa kanunu-nunuan mo o galing pa 'yan no'ng World War II. It's the memories that counts.

PAG-IBIG NO. 5

RELATIONSHIPS

Now this one's the sweet one. Ito 'yong klase ng pag-ibig na nakaka-inggit, nakaka-bitter, at higit sa lahat, nakakakilig. Sino bang may ayaw? Eh kahit nga The wildest beast was tamed, Dry and Frozen Ice was melted and the Darkest place became a paradise-ika nga. Gan'yan raw kalakas ang kapangyarihan ng pag-ibig. Sabi ng lola ko, ikaw daw ang bida sa sarili mong kwento kaya if ever you felt like everything is against you at tingin mo'y parang hindi naman ikaw 'yong bida, p'wes I am happy to tell you na maybe it's not yet your story to experience pa. Trust me, kung nakakakilig 'yong storya nila, 'wag kang mainggit dahil mas maganda naman 'yong ibibigay sa 'yo. God is an excellent author and he is still writing your- our destiny. Hintay-hintay lang. Everything is worth the wait naman. Tandaan lang lagi natin na Nothing worth having comes easy. Kaya smile and Chin up. Tatahakin mo pa ang storya mo, ayaw naman nating magmukhang haggard 'di ba?

Well, this is not a long chapter. I just wanted this to serve as a reminder about how amazing yet mysterious love is. There will always be fear and doubts but there is also what we call Butterflies in your stomach or Kilig. Yieee. Tumili ka na, walang pipigil. Ayos lang naman basta, alalay lang ha?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

How To Make Ligaw 101

Sweet Myths and Beliefs About Soulmates

Confusions