How To Deal With Your Crush In Your Most Awkward Moments
Mahirap kapag nahihiya ka sa harap ni crush pero mas maharap kapag napahiya ka sa harapan niya mismo. Lahat naman tayo ay may Oops Moment with crush. Kaya nandito ako para bigyan ka naman ng kaunting push patungo sa daan ng kakapalan. Kaunting push lang kasi baka mapasobra tayo at matumba ka. Naku dagdag pahiya pa 'yan kay crush. Tsk.
Pa'no nga ba harapin ang mga nakakainis na nakakahiyang pangyayari kapag nandiyan si crush.
No. 1:
Kapag Na-utot ka.
Unang-una sa lahat, hayaan mong bigyan kita ng isang Trivia na tiyak babago sa buong buhay mo. Ang pag-utot ay bahagi ng natural na pangyayari sa ating katawan bilang isang normal na tao o nilalang. Kaya kapag na-utot ka at nandiyan si crush, aba! Dapat nga maging proud ka pa! Kapag na-utot ka na, dapat taas-noo mong sabihin sa crush mo na, "Crush. Bago ka mag-isip ng kung anu-ano, nais kong malaman mo na Normal akong Tao dahil nauutot rin ako." Hindi kasi lahat ng tao ay nabibiyayaan na maging normal kaya ikaw, dapat maging proud ka.
No. 2:
Kapag bumahing ka na may kasamang sipon.
Alam naman nating ang pakiramdam ng iwasan 'di ba? Ang balewalain? Ang maliitin? Ang pandirihan? At mas lalo na ang ayawan. Masakit 'di ba? Kaya 'wag nating gawin ito sa sipon. Wala siya kasalanan kung ginawa siyang ganiyan? Bakit parang kasalanan niya kung bakit sinusumpa na siya ng mga tao eh lumabas lang naman siya? Inosente siya at hindi niya deserve ang iwasan. Kaya kapag nabahing ka na may kasamang sipon, ngumiti ka lang at sabihin sa crush mo na, "Crush, 'wag kang umiwas. Walang kasalanan ang inosenteng sipon. Tanggapin na lang natin siya."
No. 3:
Malakasang Pagkain
May iba sa atin na hindi napipigilan ang sarili kapag usapang kainan na. Ika nga nila, Food is lifer. At minsan kapag masyado na tayong nadadala sa ating mga emosyon (chos!), nakakalimutan na natin ang mga tao sa ating paligid, at isa si crush sa mga taong 'yon. Maliban na lang kung alien 'yong crush mo. Ang tanging magagawa nalang natin ay ang magpakatotoo. At least hindi ka katulad ng ibang tao na handang magpaka-plastik at baguhin ang kanilang sarili para lamang sa taong gusto nila. 'Yong tipong, biglang kaunti na lang ang kakainin kasi nahihiya pag andiyan crush nila. Sabihin mo nga, "Crush, gusto kita. Pero mas gusto ko 'yong pagkain." Tandaan mo lang, Don't be afraid to let them know, your true colors. They're beautiful. chrt. What I mean is, 'wag kang matakot ipakita ang kung sino at ano ka talaga dahil kung magugustuhan ka nila, at least sa totoong ikaw. Don't change yourself into someone you're not.
No. 4:
Wrong Timing ang Tae at Ihi
Lahat tayo dumarating sa panahong tinatawag na, "Wrong Timing." 'Yong parang Right Guy, Wrong Time. Right Time, Wrong Guy. Ganiyan rin si Tae at Ihi. At ang mas nakakainis pa, sa mga panahong sobrang hindi pwede. Bakit ba ayaw makipag-cooperate ni Tae at Ihi sa mga panahong nandiyan si Crush? 'Yong parang mababasag na ang mukha mo dahil sa grabeng pagpipigil pero dapat presentable ka pa rin tingnan kasi nakatitig o katabi mo si Crush. Magpanggap ka na lang na ayos ka lang kahit ang totoo, nahihirapan ka na. Tandaan! Hindi porket nagpapanggap na ayos lang pero talagang nahihirapan ay broken na agad. May mga nagpipigil lang ng Tae at Ihi. Pero hanggat maaari, ilabas mo na 'yan. Kasi nakakasama kapag pinipilit mong pigilan ang mga bagay na dapat naman ay hinahayaan at pinapakawalan.
No. 5:
Nakikipagusap sa Sarili
Aminin, tayo ay nakikipagusap rin sa ating mga sarili minsan. At minsan pa, napagkakamalan tayong baliw ng mga taong nasa paligid natin. For your FYI, Advance lang kami mag-isip. Hindi tayo baliw! Akala lang nila 'yon pero hindi! Hindi! Hindi! Chos. Sabihin nalang natin sa kanila na, ang mga taong matatalino at healthy ang utak ay nakikipagusap sa kanilang sarili. Oha! Matalino tayo! Jowable pa rin tayo!
Sa huli, 'wag nating hayaan na pagtawanan at pagkaisahan tayo ng mga taong hindi naman tayo lubusang kilala. Never judge someone by the chapter you walked in on, you haven't read the whole story yet. Ciao!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento