How To Dedma Your Bashers (Special Post)



Ang buhay, puno talaga 'yan ng haters. Hindi 'yan maiiwasan, ang dapat mo lang gawin ay i-balewala ito.

Tawanan mo na lang sila. Isipin mo nalang, hindi ka pa nga artista, may fans ka na.

Unang-una sa lahat, kapag may nalaman kang may nangba-bash sa 'yo, 'wag mong ipakita na naaapektuhan ka. Of course, hindi 'yan maiiwasan pero hahayaan mo bang maging masay sila kapag nakita nilang nasasaktan ka? Syempre hindi! Kaya ngiti ka lang.

Pangalawa, 'wag kang gaganti kasi kapag nagkataon, wala ka na ring pinagkaiba sa kanila. Sige ka, may kasabihan pa naman tayo na, "Kung sino pa ang panget, siya pa 'yung nanlalait."

Pangatlo, make more friends. Always remember, 'wag kang matatakot ipakita ang tunay na ikaw. Para hindi ka masabihan na "PLASTIK!" Ipamukha mo sa kanila na mas marami kang kakampi kesa sa kaaway.

Pang-apat, 'wag na 'wag kang ma-stress sa kanila. Parami sila ng parami, pasikat ng pasikat naman ang buhay mo. Ibig sabihin lang no'n, mas maganda at interesting ang buhay mo kesa sa kanila. Inggit lang sila. Hmp.

In the end, buhay mo iyan at wala silang pake sa 'yo. Ngiti ka lang! 'Wag talagang kakalimutan 'yan because smile is the most priceless jewelry a lady could ever wear.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

How To Make Ligaw 101

Sweet Myths and Beliefs About Soulmates

Confusions